^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Handa na rin ba sa mga kurakot?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Handa na rin ba sa mga kurakot?

Handang-handa na ang Pilipinas sa mga dayuhang investors, ito ang sinabi ni President Ferdi­nand Marcos Jr. noong Miyerkules nang pangunahan ang pagbubukas ng bagong terminal building sa Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga.

Ang pagbubukas ng bagong terminal ay hudyat na bukas na sa mga dayuhan ang pagnenegosyo­ sa Pilipinas. Malakas na senyales umano ito para mag­tungo na sa bansa ang mga dayuhan at maki­pag-partner sa mga Pilipino para matulungan ang ekonomiya. Sa ganitong paraan, magkakaroon nang maayos na kabuhayan ang mamamayan—magka­karoon nang maraming trabaho.

Maganda ang nilalayon nang panghihikayat ni Marcos sa foreign investors. Nawa ang panghihi­kayat ay makaakit nang maraming mamumuhunan­. Pero ang tanong handa na rin bang wasakin ng Marcos­ administration ang namamayaning katiwalian­. Handa na bang buwagin ang lungga ng mga buwaya.

Halos ganito rin ang mga namayaning katanungan­ makaraang magsalita si Marcos sa New York Stock Exhange kamakailan nang dumalaw siya sa United States. Sinabi niya sa mga investors na ang Pilipinas ay “bright spot” sa kanilang radar. Aniya, maliwanag, matatag at may malaking potensiyal ang Pilipinas­ para sa mga mamumuhunan. Ipinagmalaki ni Marcos ang paglago ng gross domestic product, umuunlad na kalagayan sa hanapbuhay, tumataas na manufacturing activity at ang pinalalakas na trade infrastructure. Inihayag din niya ang mga bagong patakaran sa economic liberalization at ang pagluluwag sa foreign investment restrictions.

Handa na bang wasakin ang namamayaning red tape sa pamahalaan. Hindi naman kaila na kabi-kabila ang korapsiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan. Bago makakuha ng permit sa pagnenegosyo ay maraming pagdaraanan. Maraming kakausapin. At bawat taong kakausapin ay kailangang maglagay.

Handa na bang lipulin ang mga matatakaw na buwaya? Kapag nawala ang korapsiyon, maraming maniniwala sa mga pinangako ni Marcos. Kapag tuluyang nawala ang mga kurakot sa pamahalaan, saka pa lamang masasabi na uunlad na ang Pilipinas.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with