^

PSN Opinyon

Gambling lords, mas kumikita sa STL kaysa gobyerno! — Sen. Tulfo

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ginigisa ng gambling lords ang gobyerno sa sarili nitong mantika sa palaro na Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ayon kay Sen. Raffy Tulfo, vice chairman ng Senate Committee on Games and Amusement. Sa ginanap na Senate hearing, sinabi ni Tulfo na maliit na kantidad lang ang dinideklara ng gambling lords bilang General Monthly Retail Receipt (GMRR) sa PCSO kaya kapiranggot lang ang kita ng ahensiya ng gobyerno. Open secret naman na ang malaking bahagi ng kubransa araw-araw sa STL ay bino-bookies ng gambling lords kaya mas malaki ang kita nila kaysa gobyerno. Siyem­pre, ginagamit din ng gambling lords ang mga ID at iba pang inisyu na paraphernalia ng PCSO para palabasin na legal ang bookies nila. Matagal na ang pandaraya na ito ng gambling lords sa gobyerno at mabuti’t may Tulfo na nagbu­bulgar nito. Dipugaaaaa!

Ang magandang halimbawa na ibinigay ni Tulfo ay ang Bulacan kung saan ang kubransa ay P20 milyon araw-araw noong jueteng pa ang palaro. Sa loob ng isang buwan, dapat P600 milyon ang kubransa sa Bulacan subalit ang idineklara lang ng gambling lord na nagpapatakbo ng STL sa PCSO ay P130 milyon. Ang pinakamalaking kubransa sa jueteng ay sa Pangasinan na P35 milyon kada araw at dapat mahigit P1 bilyon ito kada buwan subalit ang GMRR lang nito ay P135 milyon. Sa Laguna naman, ang dineklarang GMRR ay P119 milyon samantalang P18 milyon ang kubransa nito kada araw o P450 milyon sa isang buwan. Dipugaaaaa! Nagmukhang kawawa ang gobyerno sa gimik ng mga gambling lord.

Alam naman ng mga Pinoy na ang nasa likod ng STL franchises ay mga gambling lords o kaya’y mga pulitiko Gumagamit lang sila ng mga “dummy” na kompanya para maitago ang pagkakilanlan nila. Ang tinitingnan ng mga Pinoy ay ang gambling lord na si alyas Doce na 11 probinsiya na ang hawak sa Luzon at walang nangahas na sulutin ang mga puwesto n’ya, di ba PCSO chairman Junie Cua Sir? Dipugaaaaa!

Kinastigo rin ni Tulfo ang STL operators na kumikita ng bilyones subalit hindi nagbibigay ng PhilHealth, SSS at Pag-IBIG sa kanilang “kabos”. “I talked to several “kabos” from different provinces, at wala raw po silang natatanggap na benepisyo. Masakit po sa kalooban ko, bilang pro-mang­gagawa, na ipinagkakait po ng STL operators, who are making billions of pesos every month, ang benepisyo na para sana sa kanila,” ani Tulfo. Dipugaaaaa! Abangan!

PCSO

STL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with