^

PSN Opinyon

‘Marcos gold’ ilabas na!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ilabas na ang sinasabing sandamakmak na ginto ni Ferdinand Marcos Sr. para sa kinakailangang “blood transfusion” ng ating naghihingalong ekonomiya. Hindi ba iyan ang pangako ni Marcos Sr. bago ito malagutan ng hininga?

Aniya noon, kapag isa sa kanyang mga anak ay naging presidente ng Pilipinas, ilalabas na ang tone-toneladang ginto na ipamamana sa mamamayang Pilipino. Mahihigitan pa umano ng Pilipinas ang United States dahil magiging pinakamalakas na salapi sa daigdig ang ating piso.

Sa working visit ni Marcos Jr. sa US of A, napabalitang nakipag-usap siya sa matataas na opisyal ng World Bank. Maraming nagsulputang vlogs sa You Tube na ang pinag-usapan daw sa pulong ay ang pagpapalabas ng mga ginto na gagamitin para palakasin ang piso. Ayaw kong maniwala sa ganyang kuwentong bayan. Pero kung magkakatotoo, aba e, tanggapin natin nang humahalakhak! Sa rami ng ating problema, natuto tayong managinip ng gising.

Nakatutok daw si Presidente Marcos Jr. at ang kanyang economic team sa problema ng  humihinang piso. Record low ang pagsadsad ng piso noong Setyembre 23 na P58.50 sa bawat dolyar. Baka hindi matapos ang taong ito ay pumalo na sa mahigit P60.00 ang halaga ng isang dolyar. Wala akong makita ni katiting na benepisyo sa ganitong sitwasyon.

Siguro, may ilang nagtatrabaho sa ibang bansa ang ma­tutuwa porke mas maraming piso ang makukuha sa bawat dolyar na kanilang kinikita. Pero kung ang mabibili ng piso ay kakatiting, balewala rin ang dami nito. Ang lalong masama, ‘yung mga dolyares na inutang ng pamahalaan sa ibang bansa ay mas maraming piso ang ating ibabayad. Kaya napakaseryosong problema nito para sa Pilipinas.

FERDINAND MARCOS SR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with