^

PSN Opinyon

Pabahay para sa QCitizens

QC ASENSO - Joy Belmonte - Pilipino Star Ngayon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga QCitizens na magkakaroon ng katiyakan sa paninirahan.

Noong isang linggo, isinapinal natin ang Memorandum of Understanding kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at isinagawa ang groundbreaking ng proposed Mixed-Use Housing Development sa Harmony Hills. Sa pamamagitan ng makasaysayang partnership na ito, malapit nang maisakatuparan ng lokal na pamahalaan ang planong ma-redevelop ang proyektong pabahay sa lugar sa tulong ng DHSUD.

Taos-puso akong nagpapasalamat sa DHSUD sa pagpili sa Quezon City bilang isa sa mga prayoridad nito na maging partner sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “‘Pambansang Pabahay Para Sa Pilipino: Zero ISF Program for 2028.” Sa ilalim nito, ilang lugar sa lungsod ang napiling patayuan ng pabahay.

Kaya naman kay President Marcos Jr., maraming-maraming salamat din po.

Ito ang NIA Road, BIR Road, Agham Road at Kaingin Bukid. Tinatayang libu-libong QCitizens ang makikinabang sa planong pagtatayo ng mid-rise housing units  sa nasabing mga lugar.

Alam ko na magiging daan din ito para sa kaganapan ng isa sa ating 14 point agenda: “To Build More Homes” para sa mga QCitizen.

Maraming residente sa lungsod ang dumating dito bitbit ang pangarap nilang umunlad ang buhay. Dito na sila nakipagsapalaran at nagkapamilya, at ilang dekada na silang umaasang magkakaroon ng permanenteng tirahan, o kasiguruhan na hindi mapaaalis sa kanilang tinitirahan. Pinanindigan natin na hindi kalabisan ang mangarap dahil karapatan ng bawat isa ang magkaroon ng disenteng tirahan na matatawag nilang kanila. Kaya naman sisiguruhin namin sa lokal na pamahalaan na ipagkaloob sa kanila ang karapatang ito, sa tulong ng iba’t ibang ahensya at sektor.

Nang una akong maupo, nasa 17,000 indigent families at informal settler families sa lungsod ang ating tinulu­ngan na maabot ang kanilang pangarap na katiyakan sa paninirahan.

Sa aking ikalawang termino, pagsisikapan kong higitan pa ang aking nagawa.

QCITIZENS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with