^

PSN Opinyon

Paano palabasin ang plema; benepisyo ng salabat  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG plema ay may mahalagang ginagampanan sa pagtanggal ng mga hindi kanais-nais na bagay sa ating baga. Para sa mga malusog na tao, ang lining sa daanan ng hangin sa baga ay may manipis na layer ng mucus na tinatawag na mucus blanket. Ito ang pumipigil sa alikabok, bacteria, at iba pang particles na makasira sa baga.

Ang mucus ng isang malusog na tao ay dahan-dahan umaakyat para mailabas ang plema.

Ngunit para sa mga taong malakas manigarilyo, at may sakit sa baga, ang ganitong paglilinis ng baga ay humihina. Dahil dito, ang mucus ay naiipon sa baga at nagi­ging madikit at madilaw. Ito ang nagiging dahilan para mahirapan huminga. Narito ang tips para maalis ang plema:

1. Uminom ng 8-10 baso ng tubig kada araw para mabawasan ang madikit na plema at madali itong maila­bas. Uminom ng mucolytic, gaya ng carbocisteine o ambroxol­ capsules. Ang mga gamot na ito ay maaaring makapagpabago sa plema.

2. Ang tamang pag-ubo ay nakaupo ng deretso at bahagyang pasulong. Habang umuubo, suportahan ito sa paglagay ng kamay sa tuhod o paglagay ng siko sa armrest. Sa kabilang banda, mahirap umobo kapag nakahiga.

3. Subukan ang paglanghap ng steam. Magpakulo ng dalawang tasa ng malinis na tubig at ilagay sa malaking bowl. Italukbong sa ulo ang tuwalya at saka langhapin ang usok. Ang isa pang puwedeng gawin ay buksan ang hot shower ng banyo at langhapin ang usok.

4. Subukan ang pagtapik sa likod o chest clapping. Gamit ang mga kamay, iporma ito ng patatsulok. Pagtapos ay marahang tapikin ang likod para maglikha ng marahang tunog. Tapikin ang itaas at gitnang bahagi ng likod para matulungan na lumuwag ang madikit na plema. Ang ganitong paraan ay mainam sa mga bata na mayroong pulmonya.

5. Isang paalala: Para maprotektahan ang inyong likod sa pagka-pwersa, subukan ang marahang pag-ubo sa halip na isahang malakas na pag-ubo. Kung nakaramdam na ikaw ay babahing, subukan na kumapit sa upuan, mesa o dingding para masuportahan ang likod sa biglaang pag-ubo o pag-bahing.

6. Matulog na gamit ang 2 unan para hindi mag-ipon ng plema sa lalamunan at baga.

7. Sa huli, magpatingin sa doktor para malaman ang pinagmulan ng ulo. Kung kayo ay naninigarilyo, ito na ang oras para kayo ay huminto sa paninigarilyo. Tandaan na panatilihin ang inyong baga na malinis at malusog, para kayo ay makahinga nang maayos.

* * *

Benepisyo ng salabat

Subukan ninyong uminom ng isang tasa ng mainit na salabat pagkagising sa umaga at sa bandang hapon. Hindi lang ito pampaganda ng boses—marami pa itong mga benepisyo.

1. Pinapaganda ang takbo ng dugo—Nakakatulong itong gumanda ang circulation ng dugo lalo na sa may high blood pressure at mataas ang cholesterol. Nakakatulong itong linisin ang daanan ng dugo.

2. Napalalakas ang immune system—May taglay itong Gingerols at Gingerdiol na nakakatulong labanan ang mga virus at bacteria, at palakasin ang resistensiya. Tumutulong rin itong labanan ang cancer cells.

3. Nag-aalis ng mga sakit at hirap dulot ng dysmenorrhea.

4. Nagbabawas ng pamamaga o inflammation—Nakakatulong itong bawasan ang arthritis at pananakit ng ibang parte ng katawan.

5. Stress relief—Nagdadala ng ngiti sa labi dahil nagtataboy ito ng stress. Nakakatulong na makakalma nito ang nerves.

6. Nag-aayos ng panunaw at pagsipsip o pag-absorb ng sustansya mula sa mga pagkain.

7. Boosts brain function—Nakakatulong itong ma-improve ang memory at ibang function ng utak.

vuukle comment

SALABAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with