^

PSN Opinyon

Wala pang 100 araw

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PAGKATAPOS lamang ng 79 na araw sa panunungkulan, nagbitiw sa puwesto Executive Secretary Vic Rodriguez na kilala rin bilang “The Little President”. Ang executive secretary ang may hawak ng pinakamakapangyarihang posisyon sa gabinete ng presidente. Mga personal na dahilan umano ang dahilan. Nais niyang makasama ng mas maraming oras ang kanyang batang pamilya. Ang executive secretary ay isang 24/7 na trabaho na maaaring hindi niya magampanan. Hawak pa rin niya ang posisyon ng Presidential Chief of Staff na may ranggo at benepisyo ng isang cabinet secretary.

Ang kanyang posisyon ay nilikha sa ilalim ng Adminis­trative Order No. 1. May hiwalay na panukala upang pala­wakin ang kapangyarihan ng chief of staff pero tinanggihan ng Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, na nagsabing nagbibigay sa kanya ng labis na kapangyarihan. Mukhang unang utos ni President Marcos ay maglikha ng posisyon para sa kanyang kaibigan. Kung chief o staff siya ng pangulo na may ranggong gabinete, may mas maraming panahon pa rin kaya siya para sa pamilya?

Tutol din si Enrile sa paglikha ng isang Presidential Chief of Staff dahil mayroon nang mga tanggapan at ahensiya­ maaaring humawak sa lahat ng pang-araw-araw na aktibidad ng pangulo. Tila ang pagbibigay kay Rodriguez­ ng posisyon na ito ay para alam pa rin niya ang lahat ng naga­ganap sa gobyerno. Maaaring pasasalamat na rin ng presidente kay Rodriguez para sa lahat ng taon nilang pagkakaibigan at paglilingkod sa kanya. Kaya may ibang dahilan ba ng kanyang pagbibitiw?

Si Rodriguez ay maagang nasangkot sa kontrobersiya sa pag-aangkat ng asukal. Mayroon ding mga alingawngaw tungkol sa pagbigay ng malaking halaga ng isang nais mabigyan ng makatas na posisyon sa gobyerno. Kung may kina­laman man o hindi ang mga isyung ito sa pagbibitiw ni Rodriguez ay siyang tinatanong ng publiko.

Wala pang 100 araw ang administrasyon ni Marcos may dalawang bumitiw na sa posisyon. Pero isa ay suspen­dido lang at isa binigyan ng bagong posisyon. May pagdinig ka­agad sa Senado hinggil sa kontrobersya ng pag-angkat ng asukal at tila lumalaganap na krimen na kinasasangkutan ng kontrobersyal na POGOs. Dapat magtalaga ng isang kalihim ng agrikultura si Marcos sa halip na hawakan pa ang kagawaran.

Maraming isyu sa DA na may kinalaman sa mga produktong agrikultura na kailangan pang matukoy. Ang seguridad sa pagkain ay pinakamahalaga sa panahon kung saan ang mundo ay tila sisiklab na lang sa digmaan. Ang labanan ay sumiklab na sa pagitan ng ilang mga bansa. Huwag naman sanang sumabak tayo sa isa pang digmaang pandaigdig.

VIC RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with