^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Walang big time drug lords na nadadakma

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Walang big time drug lords na nadadakma

Mula nang maupo si President Ferdinand Marcos­ Jr. noong Hunyo 30, 2022, walang tigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagdakma sa mga drug pushers. Halos araw-araw ay mayroong nahuhuli ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Pawang Chinese ang nadadakma na ang hawak na shabu ay nagkakahalaga ng mil­yong piso. Lalo pang dumami ang nadadakma nang magkaroon ng pagluluwag sa Metro Manila makaraang bumaba ang bilang ng kaso ng CO­VID-19. Marami nang lumalabas ng bahay. Naging aktibo ang drug pushers. Hindi lamang shabu ang ibinibiyahe kundi pati na rin marijuana.

Pero sa kabila na araw-araw ay may nadadakmang drug pushers, nakapagtataka naman na walang big time drug lords. Walang “utak” na nahuhuli. Walang source o pinanggagalingan ang droga. Hanggang sa pagdakma lang ang PDEA at hindi na pinagkakaabalahang alamin kung saan nangga­ling ang droga. Nakakabilib naman ang intelligence ng PDEA na mabilis silang nakakadakma ng drug pushers pero walang “malaking isda”. Pawang “dilis” lang ang nalalambat ng PDEA at iba pang drug enforcement agency.

Napansin na pala ni President Marcos ang ganitong senaryo na pawang small fry ang nahuhuli ng PNP at walang big time drug lords. Sa isang forum sa New York, sinabi ni Marcos na noon pa niya ipi­nag-utos sa PNP na magpokus sa big time narcotics­ suppliers at distributors. Sinabi pa ng presidente na hindi siya interesado sa maliliit na drug pushers.

Nararapat pag-ibayuhin ng PNP at ng PDEA ang kanilang pagsisikap na makalambat ng big time drug lords. Huwag silang magkasya sa halos araw-araw ay maliliit na drug pushers ang nahuhuli. Huwag silang masiyahan sa ganitong huli. Kung hindi mag­babago ng estilo ang PNP at PDEA, lalo pang lulubha ang drug problem sa bansa. Makuha sana ng PNP ang mensahe ng presidente na ang gusto niya ay “malaking huli”.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with