^

PSN Opinyon

Pondo ng PhilHealth, malakas  

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Huwag maniniwala sa mga fake news na wala nang pera ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Tinitiyak ng ahensya na hindi mapuputol ang mga bene­pisyo at coverage ng mga kasapi. Ibinabalita ko ito para ‘yung mga nabigla sa balita ay makahinga na nang maluwag.

May mga pekeng reports na nagsasabi na noong naka­raang taon nalugi ng P57 bilyon ang ahensya. Malayo ito sa katotohanan. Ang totoo, natapos ng PhilHealth ang taong 2021 na may net income na P32.84 bilyon. Ito ay mataas pa ng P2.8 bilyon kaysa kinita nung nakaraang taon bago 2021.

Ang corporation ay nagtala ng kabuuang P140 bilyon na benefit claims expense ng mga miyembro. Magandang balita iyan na dapat nating ikatuwa. Ang negatibong balita na lihis sa katotohanan ay nagdudulot ng pagkatakot sa ating mga miyembro dahil tayo ang mga stakeholders. Kahit ako nga ay nabigla nung una.

Kapag bumagsak ang PhilHealth, paano na ang medical benefits lalo na ang mga mahihirap nating kababayan. Huwag agad maniniwala kundi mag-fact-check muna imbes na agad mataranta. Usong-uso palibhasa ang mga fake news kaya tayo ay dapat maging mapili sa mga balitang paniniwalaan. Alam ba ninyo na ang total assets ng PhilHealth ay tumaas ng 27% with a total of P347.48 billion in 2021?

Mula noong June 2022, ang PhilHealth ay may reserbang pondo na P188 bilyon. Higit na mataas ito ng 6.7% kaysa P176.6 bilyon nung matapos ang 2021. Maganda ang financial standing ng ahensya. Ibig sabihin, matatag ito at makaka­pagserbisyo sa mga miyembro sa matagal pang panahon.

Ang pumapasok na pondo mula sa direct contributors ay isa pang nangungunang dahilan sa pagtaas ng pondo ng ahensya tulad ng mandato ng Universal Health Care Law. Ayon nga kay Atty. Eli Dino Santos, OIC ng PhilHealth “The increase in collection efficiency of contributions from Direct Contributors, national government subsidy for premium of Indirect members, earnings from investment incomes, contribute to fund sustainability”.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with