^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagsusuot ng face mask sa school, tiyaking naipasusunod

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagsusuot ng face mask sa school, tiyaking naipasusunod

NAGBABALA ang OCTA Research Group na posibleng tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa susunod na buwan sa National Capital Region (NCR). Ayon kay Dr. Guido David, nakapagtala ng mataas na 17.5% na positivity rate sa NCR. Sinabi ni David na posibleng pumalo sa 2,000 kada araw ang kaso ng COVID.

Ayon naman sa pag-aanalisa ng Department of Health (DOH) mula sa 14.2% noong Setyembre 14, umakyat ito sa 17.5% noong Setyembre 21. Mataas umano ito sa 5% benchmark ng World Health Organization (WHO). Samantala, sinabi naman ng WHO representative sa Pilipinas na hindi pa panahon para ideklarang tapos na ang pandemya sa bansa. Ang pahayag ay ginawa kasunod ng mga pagluluwag sa pagsusuot ng face mask. Unang nagluwag ang Cebu City sa pagsusuot ng face masks sa kabila nang pagtutol ng DOH.

Maaring may sumunod pang mga LGUs na magpapatupad ng pagluluwag o kaya’y tuluyan nang alisin ang pagsusuot ng face mask. Katwiran ay para mahikayat ang mga turista sa kanilang lugar. Karamihan sa mga dayuhan ay ayaw nang mag-face mask. Umiiwas umano ang mga dayuhan o turista sa mga lugar na mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask.

Posibleng marami na ang hindi magsusuot ng face mask kapag ginawang voluntary—magsuot ang gustong magsuot—wala nang sapilitan. Sa ganitong sitwasyon, dapat namang panatilihin sa mga eskuwalahan ang pagsusuot ng face mask. Delikado kapag ginawang voluntary sa school. Posibleng dito magkaroon ng hawahan lalo pa’t hindi maganda ang bentilasyon sa mga school. Paikut-ikot lang ang hangin at kung walang face mask ang estudyante, langhap nila ang virus.

Maraming mahahawa dahil ang mga estudyante ay wala pang bakuna at booster shots. Maski ang mga guro ay wala pa ring booster shots. Hindi dapat alisin ang face mask sa school at bagkus higpitan ang pagpapatupad ng health protocols.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with