^

PSN Opinyon

Martial law, ginunita ng NCRPO sa pagsuko ng 10 CPP/NPA!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

GINUNITA ng National Capital Region Police Office ang 50th anniversary ng martial law sa pagtanggap ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo ng pagbalik-loob ng 10 hardcore member ng teroristang CPP/NPA na naka-base sa Bicol. Mainit na niyakap ni Estomo ang mga sumukong rebelde sa covered court ng Bgy. Payatas sa Quezon City noong September 22 kung saan dininunsiyo nila ang CPP/NPA at isinigaw ang pagbabalik-loob nila sa gobyerno.

Ikinuwento ng mga sumukong rebelde kay Estomo at sa media ang mga pangakong napako ng mga lider ng CPP/NPA sa Bicol at ang gutom at kahindik-hindik na karanasan nila sa bundok kung saan tinutugis sila ng puwersa ng gobyerno. Nangako naman si Estomo na tutulungan niya hanggang sa kaya niya ang mga sumukong CPP/NPA alinsunod sa patakaran ng anti-insurgency campaign ng gobyerno ni President Bongbong Marcos sa ilalim ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Mismooooo! Hak hak hak!

Halos araw-araw ay may sumusukong miyembro ng CPP/NPA na ang ibig sabihin ay nasa tamang landas ang ELCAC para masugpo na sila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hindi lang ‘yan! Nalalagas na rin ang kanilang lider, either napatay sa engkuwentro o naaresto. Eh di wow!

Sinabi ni Estomo na hepe pa lang siya ng PRO5 sa Bicol nang magsimulang komontak sa kanya ang hardcore CPP/NPA members para sumuko. Itinuloy niya ang negosasyon noong mapili siyang maging NCRPO director, aniya. Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga high-powered firearms at explosives tulad ng Armalite rifles, shotgun, handguns, sumpak at bala ng grenade launchers. Ang mga sumuko ay tubong iba’t ibang bahagi ng Bicol at itago natin ang pagkakilanlan sa kanila sa pangambang resbakan ng dating kasama nila sa PRO5 ang pamilya nila. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Itinaon ni Estomo ang pagtanggap sa sumukong CPP/NPA sa programang “Serbisyong Caravan” ng National Intelligence Commission Agency, Department of Health, Department of Trade and Industry, Technical Education and Skills Development, Department of Labor at NCRPO’s Regional Medical and Dental Unit. Hayan, nagtulung-tulong ang mga ahensiya ng gobyerno para bigyan sila ng mga initiatives, livelihood programs, aid, at iba pang serbisyo.

Sumailalim din ang mga sumuko sa libreng medical consultation, dental check-up, libreng gupit, libreng tuli, PNP NUP recruitment at iba pa. Sobrang buwenas nitong mga sumukong CPP/NPA na dapat tularan ng mga kasama nila sa bundok para maranasan din nila ang ayuda ng gobyerno ni BBM, di ba mga kosa? Eh di wow! Hak hak hak! Mapapabilis ‘ata ang pagsugpo ng gobyerno dito sa CPP/NPA dahil wala nang naniniwala sa kanila sa malalayong probinsiya. Dipugaaaaa!

“Kaya tuluy-tuloy po ang ating panawagan ko sa iba pa nating mga kababayan na nariyan pa sa mga kabundukan o kahit nandito man sa siyudad na ang NCRPO ay bukas beinte kuwatro oras upang sila ay aming tanggapin,” ani Estomo. Eh di wow! Ano pa ang hinihintay n’yo mga kosa? Sumuko na kayo! Abangan!

MARTIAL LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with