^

PSN Opinyon

POGO at e-sabong, patayan ang ayuda sa gobyerno!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI dapat magdalawang-isip si President Bongbong Marcos na isara ang POGO operations sa Pinas dahil imbes­ na makatulong sa ekonomiya, puro kabalbalan lang ang ginagawa ng mga Chinese na empleyado nila. Kung hindi patayan, abaaaa kidnapan at kung anu-ano pang krimen ang ginagawa na kadalasan ay kapwa nila Chinese ang biktima at ang napapahiya ay ang gobyerno. Kaya tama ang puna ni Sen. Bato dela Rosa na walang respeto sa ating gob­yerno ang mga Chinese na taga-POGO. Maging si Fi­nance Sec. Benjamin Diokno ay pabor na ipasara ang POGO, at iginiit na ang “social risks outweigh the financial benefits.” Tumpak! Wala namang pinagkaiba ang POGO sa e-sabong kung saan bilyones ang kita subalit patayan ang nangyayari. Kaya kung ipinasara ni PBBM ang e-sabong, wala nang dahilan para hindi ipasara ang POGO. Aragu­uyyyyy! Nauubos ang oras at badyet ng PNP sa pagsolb ng patayan at kidnapan ng mga Chinese na kalimitan ang dahilan ay utang sa sugal. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, ang mga Chinese ay pumasok sa bansa sa panahon ni ex-Pres. Digong dahil magtatrabaho sila sa POGO na magdadala ng bilyones sa kaban ng gobyerno. Binawalan pa nga ni Digong ang law enforcement agencies na ma-raid ang mga ito. Subalit puro sakit ng ulo lang ang idinulot ng POGO sa gobyerno, lalo na nang kaliwa’t kanan na ang patayan at kidnapan. Kaya naman malakas ang loob nitong mga Chinese na gumawa ng krimen dahil maraming ahensiya ng gobyerno ang “patong” sa kanila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Ang mga opis­yales ng Chinese sa POGO ay kalimitan may “kumpale” sa PNP at NBI. Mismooooo! Eh di wow!

Kaya lang naungkat na muli itong POGO dahil nag-viral kamakailan ang patayan na nangyari sa Apartment Bldg., Marina Bay, Bgy. Dongalo, Parañaque City noong Hulyo 22. Ayon kay NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo, lutas na ang kaso nina Ziyu Meng, 30, at Zhang Xialong, 30, at sa katunayan dalawang suspects ang naaresto na at isang businesswoman at 12 Pinoy na bodyguards ay at large pa. Sa parte naman ni CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee inaresto nila si Xiong Gang, 35 at si Nete Joy Juanico, 28, habang nagsagawa ng casing sa kaniyang mabibiktima sa Clark Hills Village sa Mabalacat, Pampanga. Nakumpiska sa kanila ang dalawang baril. Inaresto rin ang POGO staff na si Chui Qun, 28, at Ernesto Cruz, matapos mangikil ng P2 mil­yon kay Amy Dan Li, 28. Sa follow-up operation, nasukol­ din ang mga kasama ni Chui na sina Yap Tiong, 37, Li Wei Xiong, 40, at Li Xing, 38. Hayan, puro Chinese ang nasa likod ng mga krimen kaya dapat palayasin na sila. Abangan!

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with