^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ba’t hindi maubos ang shabu?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Baât hindi maubos ang shabu?

Halos araw-araw ay may nadadakma ang Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tulak ng droga at nasa posisyon ng mga ito ang shabu na nagkakahalaga ng milyong piso at ang iba ay bilyones pa. Dumagsa ang shabu mula nang magluwag sa COVID restrictions ang Metro Manila at iba pang probinsiya. Malaya nang gumagalaw ang mamamayan. Bukod sa PDEA, nakaaaresto rin ang police drug enforcement unit ng mga tulak sa bara-barangay.

Gaya noong Linggo, tatlo katao ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Pasig City. Nakuha sa mga suspect ang 800 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P5.44 milyon. Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Noong Lunes, dalawang lalaki ang naaresto sa Bgy. New Lower Bicutan, Taguig City sa isinagawang buy-bust operation at nakakumpiska ng ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P400,000. Sinampahan na ng kaso ang mga suspect.

Noong Miyerkules, tatlong tulak ng shabu ang naaresto sa Malabon at nakumpiska sa kanila ang 7.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P53,040. Nakakulong na ang mga suspects.

Sa kabila naman na araw-araw na pagkakahuli­ ng mga awtoridad sa mga tulak, nakapagtataka naman­ kung bakit hindi pa rin maubus-ubos ang shabu. Marami pa ring dumadagsa at tila walang pagkaubos. Mistulang balon na habang binabawasan ay lalo pang dumarami.

Nakapagtataka rin naman kung bakit walang nadadakmang “big time drug traffickers” at pawang maliliit na pushers lang ang nalalambat. Hindi rin nababanggit kung saan ba talaga nanggagaling ang mga bulto ng droga.

Hindi rin ba puwedeng sirain na agad ang mga nakukumpiskang shabu para hindi na ma-recycle? Sa araw-araw na huli sa mga tulak ng droga, marami nang shabu ang nasa posisyon ng drug enforcement agencies. Puwedeng isipin na ang mga nakukumpiskang shabu ay ibinabalik sa kalye at pinagkakakitaan muli. Hindi malayong mangyari ang ganito lalo pa’t maraming corrupt na drug enforcers sa kasalukuyan.

PDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with