^

PSN Opinyon

Huwag maging kampante

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAAALALA ko ang sinabi ng sumundo sa amin sa Singa­pore noon. Bago kami bumaba ng sasakyan, sinabi niya na “Welcome to Singapore. Remamber, low crime does not mean no crime.” Kilala kasi ang Singapore na may isa sa pinakamababang bilang ng krimen sa mundo. Pero pinaalala niya ang katotohanan na hindi ibig sabihin walang nagaganap na krimen.

Kailan lang, nagpahayag si PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. na walang crime hike kundi crime hype lang parti­kular sa social media. “Sensationalized” daw sa social media­ ang mga krimen. Ito ang kanyang reaksyon sa mga ulat ng tila dumaraming krimen, kabilang ang kidnapping, rape at murder. Ilang babae ang natagpuang patay matapos ma­ulat na nawawala. May mga krimen kung saan dinadampot na lang umano ang mga babae at ipinapasok sa puting van. Ayon kay Azurin may ilang ulat na napatunayang fake news ito. Ipinagmalaki rin ang pagbaba nang husto ng bilang ng krimen mula 2010.

Pero ayon sa datos ng PNP mismo, halos dumoble ang bilang ng krimen noong Hulyo sa ilalim ng bagong admi­nistrasyon kumpara noong Hunyo na huling buwan ni Duterte bilang presidente. Malaking porsyento naman ang nalulutas ng PNP. Hiniling ni Azurin na kapag may nakita o nasaksihang krimen, sa pulis ipaalam at huwag kaagad sa social media. Inaamin din niya na malaking tulong din ang social media sa paglutas ng ilang krimen. Paano kung mga tiwaling pulis ang sangkot?  

Sa totoo lang, walang saysay ang lahat ng datos ng PNP, kung bumababa o tumataas man ang bilang ng krimen, kung isa kang biktima o may mahal sa buhay na naging biktima. Sigurado ako na kung kilala ang naging biktima ng marahas na krimen, iba ang magiging reaksiyon ng PNP pati ng publiko. Hindi rin dapat nilalabanan ang isang uri ng krimen dahil ito ang nais ng presidente.

Layunin ng PNP ang labanan lahat ng uri ng krimen. Kadalasan ay hindi napipigilan pero kapag may naganap ay kikilos ang PNP para mahuli ang kriminal at isailalim sa hustisya. Responsibilidad din ng lahat ng mamamayan na tumulong na sugpuin ang krimen. Sa panahon ng social media at dami ng CCTV, magagawa ito. Mababa man o mataas ang bilang, hindi dapat nagiging kampante.

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with