^

PSN Opinyon

Naghahanap ka ng trabaho? Subukan ang cruise ship!

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa mga tinatawag na seafarer o seaman, kabilang sa itinuturing na mga sea-based na overseas Filipino worker o mga OFW na nagtatrabaho sa barko ay ang mga namamasukan sa mga cruise ship. Ito ang barkong pangturista na matagal kung maglayag at mamasyal sa karagatan at kung saan-saang bansa dumadaong. Parang nakabakasyong grande ang mga pasahero nito.

Gayunman, nahinto ang operasyon ng mga cruise ship nang lumaganap sa mundo ang pandemya ng Coronavirus di-sease mula noong u-nang bahagi ng 2020. Marami ang nawalan ng trabaho kabilang ang mga OFW. Pero unti-unting bumangon noong huling bahagi ng nakaraang taon ang cruise line industry. Ayon sa Department of Migrant Workers, bu-malik na sa operasyon ang 74 porsiyento ng mga cruise lines at 90 porsiyento ng kanilang mga barko. Tinataya ng industriya na tataas ng 58 porsiyento ang bilang ng bagong mga pasahero habang nag-nonormal na ang biyahe ng mga cruise ship.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople sa isang pahayag na dahil sa gulo sa Ukraine, inaasahan ang muling pagtaas ng panga-ngailangan sa mga OFW para magtrabaho sa mga cruise ship. Sa kasalukuyan anya, isa sa bawat limang international seafarer ay Pilipino.

Binanggit pa ng kalihim na tiniyak sa kanya ng local manning industry na matutugunan nila ang mga pangangaila-ngan sa Filipino seafarer. Sa isang pulong kamakailan, sinabi sa kanya ng mga kinatawan ng Magsaysay Maritime Corporation na kukuha sila ng may 5,000 manggagawa para sa iba’t ibang posisyon sa mga cruise ship sa susunod na tatlong buwan.

Gayunman, iginigiit ni Ople sa mga naghahanap ng trabaho na makipagtransaksiyon lamang sa mga lisensiyadong recruitment agencies.

Maraming bentahe sa pagtatrabaho sa cruise ship tulad ng nakakarating ka sa iba’t ibang bansa o halos nalilibot mo ang buong mundo, nakakakilala ka ng mga dayuhan o ibang lahi at kaibigan na maaaring makatulong sa iyo balang araw, nakakatipid ka at madaling makaipon dahil wala kang gaanong gagastusin habang nasa barko. Libre kasi ang pagkain at tirahan. May tsansa pang madagdagan ang kita dahil sa mga tip mula sa mga kustomer. Mapapalayo ka nga lang sa iyong pamilya ng anim na buwan o higit pa, kaya nga raw kadalasan mga binata at dalaga ang nagtatrabaho sa mga ganitong barko.

Mas malaki ang tsansang makapagtrabaho sa cruise ship kung merong karanasan at may tinapos na pag-aaral ang aplikante. Kabilang sa mga trabaho sa barkong ito ang accommodation staff (laundry staff, cleaners at stewards), bar, restaurant at kitchen staff; casino staff ; deck and engine room staff ; entertainment staff; fitness and beauty staff ; IT staff;  managers; medical staff; nannies at children’s entertainers; at retail staff.

Ayon sa ilang maalam sa operasyon ng mga cruise ship, kailangang dumaan muna sa isang lehitimong recruitment agency ang mga gustong magtrabaho sa cruise ship. Lubhang pinahaha-lagahan ng mga employer dito ang degree o professional qualification ng aplikante dahil kailangan sa cruise ship ang mahusay na customer service. Kaya nga kailangan meron kang tinapos sa kolehiyo para matanggap na IT, management at medical staff. Maging sa chef, beauty therapist at personal trainer o nanny ay kailangan ang professional qualifications. Kailangan ding meron ng kaukulang mga karanasan ang magtatrabaho bilang accommodation, bar at restaurant staff. Posibleng magkatrabaho sa isang cruise ship ng walang kuwalipikasyon o karanasan pero magsisimula ka sa napakababang puwesto at maliit na suweldo. Lahat din ng indibidwal ay kailangang dumaan sa safety training at pumasa at magtaglay ng seafarer medical cer-tificate. Meron ding iba’t ibang visa requirement sa maraming pier sa buong mundo. Tandaan din na nag-aaplay ka sa isang kumpanya at hindi sa isang partikular na barko.

Pag-aralan ding mabuti kung nararapat kang magtrabaho sa isang cruise ship. Hindi ito para sa iyo kung sumasama ang pakiramdam mo o nahihilo o nagsusuka kapag nasa dagat ka. Kadalasan, ang mga cruise crew at staff ay natutulog sa pinakailalim na bahagi ng barko na konti ang bintana at masikip ang lugar. Kung magiging problema sa iyo ito, hindi angkop sa iyo ang trabaho sa barko. Pag-isipan din kung handa kang magtrabaho ng pitong araw bawat linggo.  Maaari kang magkaroon ng dalawa o apat na buwang bakasyon pero asahan na pagbalik mo sa barko ay magtatrabaho ka ng hanggang 14 na oras kada araw.

Mahalaga ring magsaliksik hinggil sa ope-rasyon ng mga cruise ship. Magkakaiba rin ang mga rekisitos at sistema ng iba’t ibang kumpanya, matindi ang kompetisyon, kaya nga mas malaking bentahe kung tapos ka ng kolehiyo at may kaukulang mga karanasan sa papasuking trabaho.

 * * *

Email- [email protected]

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with