^

PSN Opinyon

Importante ba ang asukal?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Kung ako ang tatanungin, puwede naman tayong mabuhay nang walang asukal. Makukuha rin naman ang sustansya nito sa iba nating kinakain tulad ng nga prutas at ibang pagkain may carbohydrates.

Sa bigas pa lang na kinakain nating mga Pinoy ay sapat na ang makukuha nating asukal kapag ang carbohydrates na taglay nito ay nang-break into sugar. Kaya nga bawal sa mga diyabetiko na kumain ng sobrang kanin dahil mabilis makapagpataas sa sugar level ng katawan.

Kapag kinulang ng supply ang asukal, baka nga makabuti pa ito sa mga taong diyabetiko dahil puwersado silang mag-cutdown sa pagkonsumo ng asukal. Pero higit pa riyan ang implikasyon kung magkakaroon ng malubhang kakulangan ng asukal.

Malamang kasi, pati ang takbo ng ekonomiya ay maa­apektuhan kung mayroong matinding tagsalat sa asukal. Itatanong ninyo marahil kung bakit tila napakalaking isyu na itinuturing ang shortage. Malaking usapin dahil maraming trabaho ang apektado niyan kung magtutuluy-tuloy.

Ang asukal ay main ingredient ng softdrinks at iba pang produktong ginagamitan ng matamis. Isipin na lang na kung matindi ang kakapusan ng bansa sa asukal, eh di titigil ng operasyon ang mga softdrinks manufacturers na inaasahan ng milyun-milyong manggagawa.

Sabihin pa na ang mga softdrink makers ay pangunahing pinagkukunan ng revenue ng pamahalaan kaya kung mawawala sila ay apektado ang kaban ng bayan. Sabi ni Presidente Bongbong, kapag nagtuluy-tuloy ang shortage ng asukal, mapipilitan tayong umangkat sa ibang bansa.

Nagtataka ako dahil dati namang sugar-exporting country­ ang Pilipinas. Sa Luzon, naririyan ang Hacienda Luisita na taniman at taga-proseso ng tubo para gawing asukal. Sa katimugan naririyan ang Negros provinces na kilalang sugar producing hubs noong araw. Hindi ba maaring ibalik ang dating status natin bilang sugar producer?

vuukle comment

ASUKAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with