^

PSN Opinyon

Barangay at SK elections kanselado na naman?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Umabot sa 30 panukalang batas ang inihain sa Kongreso para i-postpone ang 2022 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Kaya sa botong 12-2 sa Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa Kongreso agad inaprubahan na ikansela ang eleksyon ngayong taon.

Maraming kinonsiderang dahilan para i-postpone ang eleksiyon, nandiyan ang marami pa raw ang hindi pa naka­ka-move on mula sa stress noong May 9 elections at mas mabuti na gastusin daw ang pondo sa mas mahalagang proyekto.

Isa ring rason ang public health issues, “let’s not put our guard down”, ito ang naging panawagan ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V sa aming programa sa BITAG Live. Aabot daw ng P8.4 bilyon ang magagastos ng gobyerno sakaling magsagawa ng barangay at SK elections sa Disyembre.

Pero teka muna kung may pabor sa postponement, malamang may hindi papabor. Isa na rito ang Legal Network for Truthful Elections (Lente), kilalang election watchdog sa bansa. Tutol sila sa pagkansela ng eleksyon nga­yong taon.

Ayon sa kanilang representante na si Atty. Carlo Africa, kung sakaling hindi matuloy ang eleksyon ngayong taon, pang-apat na postponement na raw ito. “In violation of international laws dahil karapatan ng taumbayan ang regular at periodic elections,” pahayag ni Atty. Africa sa aming programa.

Paano kung sawang-sawa na raw ang mga Pilipino sa mga non-performing o mga palpak na opisyal ng barangay?

Ngayong buwan nakatakda ring talakayin sa Senado ang usaping ito, kaya masyado pang maaga para magbunyi o malungkot, ika nga nila, “papunta pa lang tayo sa exciting part!”

Para naman sa mga barangay at SK Officials­ diyan­, huwag­ masyadong excited at magpatuloy muna kayo sa kanya-kanyang trabaho at huwag papahulog sa BITAG.

vuukle comment

BARANGAY

SK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with