^

PSN Opinyon

May nasisita pa rin ang COA

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Wala na talagang katapusan ang mga problema at isyu ng Land Transportation Office (LTO). Bukod sa mga bagong plakang hindi naman natanggap, ngayon kinukuwes­tiyon­ ang pagbayad ng buong-buo sa apat na kom­panya sa halagang P3.15 biyon para ayusin umano ang sistema sa LTO hinggil sa rehistro ng sasakyan at lisensiya ng mga drayber. Pero sinita ng COA ang pagbayad nito sa kabila ng mga reklamo ng ubod ng bagal ng serbisyo ng LTO ngayon. Pinuna nang marami na dalawang oras lang ang hihintayin at makukuha na ang lisensiya ng drayber pati ng rehistro ng sasakyan. Pero ngayon, ina­abot umano ng limang araw. Iyan ba ang binayaran ng bilyun-bilyon?

Matatandaan na kailan lang ay nagpahayag ang LTO na kakailanganin ang P7 bilyon para maayos ang backlog ng mga plaka. Mapapailing ka talaga kung humihingi ng P7 bilyon pero binayaran na ng buo ang mga kompanya kahit hindi pa maayos ang sistema. Banggitin ko na administrasyon pa ni Duterte ang COA na sumita nito. Hindi kasundo ni Duterte ang COA noon dahil sa kontro­bersiya ng Pharmally. Ngayon, tauhan ni Duterte ang COA chairman, si dating Solgen Jose Calida.

Isa pang sinita ng COA noong panahon ni Duterte ay ang mababagal na laptop na binili ng DepEd. Bukod sa mabagal, mahal pa raw ang pagbili. Itinuro ng DepEd ang Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) na bumili ng laptops. Kilala ang PS-DBM na sangkot sa kontrobersiya ng Pharmallly Inc.

Nag-utos na ng imbestigasyon si Vice President at DepEd. Sec. Sara Duterte sa isyu ng laptops. Pero sa PS-DBM nga babagsak na naman ang imbestigasyon dahil sila nga ang bumili. Tatawagin ba ulit si dating Usec. Christopher Lloyd Lao na namuno sa PS-DBM noong panahong iyon? Makikipag-ugnayan ba siya nang husto? May mapapala ba sa imbestigasyon na iyan kung tila wala naman nangyari sa imbestigasyon ng Senado sa Pharmally? May makakasuhan ba? May makukulong ba? Sana naman may kahihinatnan ang lahat ng imbestigasyong ginagawa ng Senado at Kongreso. Sayang ang oras na mailalaan na lang sana sa pagbuo ng mga batas. At kung madalas masangkot ang PS-DBM sa maanomalyang pagbili ng kagamitan, hindi na sila ang dapat bigyan ng awtoridad gawin ito.

COA

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with