^

PSN Opinyon

Batas ni Rep. Bosita

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Lumang tugtugin na ang mga komprontasyon sa kalsada, motorista laban sa kapwa nila motorista o kaya naman mga motorista laban sa mga traffic enforcers. Sa rami nang natulungan ng BITAG, hindi maikakaila na mas madalas masampolan ng hagupit ng BITAG ang mga abusado at mapanlabis ng mga traffic enforcers. Pero teka muna, ‘wag nating kalimutan at aminin natin na marami-rami rin naman ang pasaway na riders sa kalsada.

Usap-usapan ngayon ang bagong panukalang batas na isinusulong ni Rep. Bonifacio Bosita ng 1-Rider Partylist. Sa pamamagitan daw ng panukalang Batas na House Bill No. 3366 (An Act Enforcing Fair Traffic Apprehension­) mas magiging malinaw na raw ang karapatan ng mga  motorista.

Nakausap ng BITAG si Rep. Bosita, sentro raw ng panukalang batas ang mali at mapang-abusong pamamaraan ng paghuli sa mga motorista. Ayon daw sa records ng tanggapan nila marami raw talagang naabusong motorista sa kalsada kaya niya isinusulong ang batas­ na ito. Dagdag pa ni Bosita, “maraming police at traffic enforcer hindi ko malaman kung marunong ba o talagang ang interes ay manghuli para magkaroon ng porsiyento sa multa”. Bilang proteksiyon, isinama niya sa panukalang ito na maaring kumuha ng litrato at mag-video ang mga moto­rista kapag sila ay hinuhuli ng enforcers.

Mukhang maganda naman ang interes ng panukalang batas na ito, siguraduhin lang nating matutukan at huwag hayaang mapanis sa Kongreso. Mahirap tumayo at ipagtanggol ang mga kawawang riders kung walang sapat na batas na nagbibigay sa kanila ng proteksiyon, saksi rito ang BITAG.

Isama na dapat dito ang mga pobreng riders na sina­saktan o binubugbog ng mga costumer kapag na-delay ang delivery. O di naman kaya ay mali ang items na na­ideliber sa kanila. Hindi kasi puwedeng puro satsat at angas lang, dapat managot ang mga mapang-abuso sa batas.

Kaya panawagan ko sa mga kongresista, bagong halal o luma man, siguraduhing para sa taumbayan ang mga batas na ginagawa. Huwag yung para sa pansariling interes lang. Aabangan at susubaybayan ng BITAG ang panukalang batas na ito.

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with