^

PSN Opinyon

HB 1419

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Mainit ang diskusyon sa House Bill 1419 (Anti Lane Splitting Law of 2019). Muling ipinanukala ang nasabing batas. Ang lane splitting ay ang pagdaan sa pagitan ng dala­wang sasakyan. Sa ilalim ng HB 1419, bawal na ito at maa­aring dumaan sa pagitan ng dalawang sasakyan lamang kung kinakailangang malampasan ito. Mabigat ang multa—P1,500 para sa unang paglabag; P3,000 sa pangalawa at P5,000 at pagbawi ng lisensya para sa pangatlo.

Natural na umangal ang mga rider. Hindi raw kaya ng ating imprastraktura ang kailanganing humanay ang lahat ng motorsiklo na tila kotse na rin sila. Isipin na lang ang haba ng trapik kung seryosong ipatutupad iyon. May punto sila. Hindi nga kaya ng ating imprastraktura ang ganyang sistema. Walang argumento riyan.

Pero ang isyu dapat sa lane splitting o lane filtering ay ang tamang paggamit nito. Tandaan na walang sinasabi sa kahit saang batas na ang bahagi ng kalsada sa pagitan ng dalawang kotse o sasakyan ay para sa motorsiklo. May dahilan nga kung bakit may pagitan sa mga saakyan. Ito ay para sa kaligtasan. Kung wala ang pagitan na iyan, puro aksidente lang ang kalalabasan araw-araw. Kaya kung daraan man ang mga motorsiklo, nakikiraan lang sila. At kung nakikiraan lang, sana naman, disiplinado. May tamang paraan para sa lane splitting o filtering na ipinapa­tupad sa ibang bansa, kung hindi ilegal gawin ito.

Napakadalas ng girian o away sa pagitan ng kotse at motorsiklo dahil sa gitgitan sa kalsada. Napakadalas na ipi­pilit ng motorsiklo na makadaan kahit sa makikipot na lugar sa pagitan ng mga sasakyan para lang mauna. Kapag hindi pinagbigyan, away na. At sa totoo lang, maraming rider ang tila hindi naniniwalang saklaw sila ng batas-trapiko. Alam ba ang ibig saabihin ng solid white line? Napakara­ming lumalabag diyan kapag naghihintay ng berdeng ilaw. Problema rin ang counterflow, pati one-way. May mga hindi na sumusunod sa ilaw kapag nakitang walang enforcer. Mga ipipilit mauna sa kotseng lumiliko nang pakanan.

Sa tingin ko dapat pag-aralan muna ang HB 1419 bago ipanukala sa Kongreso at maging batas. Hindi ito magiging madali. Magiging matagumpay lang ang pagpapatupad nito kung disiplinado rin lahat ng motorista at rider. Lalo na ngayong mas pinapaboran na ang No Contact Appre­hension. Iyan ang pinakamalaking balakid sa batas-trapiko sa Pilipinas.

LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with