^

PSN Opinyon

Winners at losers sa rigodon sa PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

May winners at losers sa naganap na rigodon sa hanay ng Philippine National Police. Parang NBA Sports lang ah. Hahaha! Siyempre, ang big winners, na parang tumama ng jackpot sa lotto ay sina NCRPO director Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo at CIDG director Brig. Gen. Ronald Lee. Maliban sa matatawag na “juicy positions” ang NCRPO at CIDG, abaaaa may extra pang premyo itong two-star, di ba mga kosa?

Kasama rin sa winning bracket ay ang mga Regional Director’s na napasok sa Directorial Staff ng PNP, na two-star positions din. Winners din ang mga RDs na retain sa kanilang position tulad ng sa Regions 2, 4B, 7, 11 at 13. Mismooooo! Of course, kasama sa listahan ang mga bagong RDs at iba pang senior officers ng PNP na nabig­yan ng magandang puwesto, at marami sa kanila ay sabihin kong mga “Ilocano Boys” o dating miyembro ng PAOCTF. Congratulations sa lahat ng winners! Hak hak hak! Masaya silang lahat sa liderato ni PNP chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr. Dipugaaaaa!

Ang mga losers naman na sasabihin kong “low morale” sa ngayon ay ang binansagan na mga “Davao Boys,” na nagsilbi sa mga “juicy positions,” ng PNP noong panahon ni ex-President Digong. Ang No. 1 sa listahan ay si Lt. Gen. Vicente Danao, na ginawa pang OIC ng PNP ni Digong bago niya lisanin ang kanyang puwesto. Si Danao na galing sa No. 3 ng seniority list ng PNP, ay natapon sa APC-Western Mindanao. May ilan ding RD at humawak ng sensitibong position sa panahon ni Digong ay “wipe out” at lumanding sa deputy positions sa Direc­torial Staff o sa bahay pahingahan—ang APC nga. Araguuyyyyy!

Ang matatawag kong survivor sa “Davao Boys” ay si Maj. Gen. Michael John Dubria, hepe ng Directorate for Intelligence, na nalipat sa Civil Security Group na parehas ang ranggo. Subalit iba ang tunog ng DI sa CSG kung ang mga Marites sa Camp Crame ang tatanungin. Dipugaaaaa! May mga senior officers naman na sandamakmak ang accomplishments subalit hayun....nasa floating status sila.

Subalit ang pinakamasaklap sa lahat ay ang nangyari kina Brig. Gen. Jerry Bearis, na wala pang isang buwan sa puwesto bilang director ng Eastern Police District at naging deputy director for administration ng PRO3 at Brig. Gen. Ulysses Cruz na sinibak bilang hepe ng NPD at nilipat bilang director ng Explosive Ordnance Disposal and Canine Group. Magreretiro na si Cruz sa Oktubre. Araguuyyyyy! Hak hak hak! Maaring low morale ang mga losers, subalit bilang professional police officers, tanggap nila ang pambebengga dahil alam nilang “come and go” ang kanilang position. Abangan!

NBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with