^

PSN Opinyon

Bitay sa drug traffickers  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG sinusukat ang kakayahan ni President Ferdinand Marcos Jr. sa usaping illegal na droga.  Noong nakaraang linggo mahigit sa P4 bilyong halaga ng droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa Pangasinan at La Union.

Sa isinagawang pagsalakay ng PDEA sa Pozorrubio, Pangasinan at San Fernando, La Union, naaresto si Wujia Ke, alias James. Siya ang responsable sa bilyon-bilyong droga na ipinalalaganap sa Region 1, 3, 4 at Central Visayas. Nang tanungin ng media si Wujia Ke, kung saan niya ididiliber ang droga, sinabi niyang sa Cabanatuan, Nueva Ecija. May bilin pa umano ang nakatataas sa kanya na itago muna ang iba pang droga dahil mahigpit ngayon ang mga operatiba.

Ang hindi niya alam nakatutok na sa kanilang grupo ang mga tauhan ni PDEA Director General Wilkins Villa­nueva. Tatlong buwan na silang sinusubaybayan ng PDEA.

Sa pag-iimbestiga ni PDEA Deputy Director General Greg Pementel, sa karagatan idinaraan ang pagpapasok ng droga matapos masamsam ang mga digital walkie­talkie, satellite phone at panghatak na kable.

Kung nakalusot ang droga maraming kababayan natin­ na kumakalam ang sikmura ang tiyak na kakapit sa opor­tunidad na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtutulak ng droga at magpapaalipin sa sindikato ng droga. Ang matindi pa, marami ang magiging addict lalo ang mga kabataan kapag lumaganap ang droga.

Malaking problema ang illegal drugs sa kasalukuyan. Hamon ito sa kakayahan ni President Marcos Jr. Nararapat nang buhayin ang death penalty sa bigtime drug traffickers. Panahon na para sila masampolan.

DRUG TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with