^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Shabu rito, shabu roon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Shabu rito, shabu roon

Wala nang kinasisindakan ang mga sindikato ng illegal na droga. Hindi sila natatakot sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang anti-illegal drug body. Kung natatakot, hindi sila magtatangkang magpuslit ng sandamakmak na droga sa bansa. Kung nasisindak, hindi sila mag-iistak ng shabu sa mga bodega. Masyadong­ malakas ang loob ng mga sindikato ng droga sapag­kat alam nilang malulusutan ang batas sa bansa. Panahon na para bigatan ang parusa sa mga utak ng drug syndicate at mga miyembro nito. Ibalik ang death  penalty sa mga salot na drug traffickers.

Maraming shabu na naka-packed sa Chinese tea bags ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pozzorubio, Pangasinan­ noong Biyernes ng umaga. Ang shabu na binubuo ng 360 kilos ay nagkakahalaga ng P2.4 bilyon. Naaresto ang Chinese na si Ke Wujia, 49, lider ng sindikato at residente ng Agoo, La Union, at mga kasama nitong sina Johnbert Yagong, 22; Jenson Rey Yago, 29 at Richell Repuesto, 29.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villa­nueva, tatlong buwan nilang sinubaybayan ang grupo ni Wujia. Nakatulong ng PDEA ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Customs.

Nang araw ding iyon, nakakumpiska naman ang mga pulis ng 40 kilos ng shabu sa Bgy. Poro, San Fernando, La Union na nagkakahalaga ng P272 milyon. Naaresto ang dalawang suspects na sinasabing miyembro rin ng sindikatong pinamumunuan ni Wujia. Bukod sa Pangasinan at La Union, nag-ooperate rin ang Wujia drug syndicates sa Ilocos Norte, Zambales, Bataan at Cebu.

Noong Sabado, nakasamsam naman ang mga pulis ng 1.5 kilos ng shabu sa Cebu City na may street value na P10.2 milyon. Isang suspect ang naaresto na umano’y konektado rin sa Wujia drug syndicate.

Maraming nadadakmang miyembro ng drug syndicates ang PDEA at iba pang drug enforcement­ agency at maaring swak na sa bilangguan ang mga naaresto. Ang nakapagtataka lamang sa rami ng nahuhuli ng PDEA wala pa silang ‘‘napakakanta’’ kung saan nanggagaling ang sandamakmak na shabu. Mahalagang malaman ng PDEA ang source ng shabu para ito ang ganap na mawasak at nang wala nang ikakalat na droga sa bansa. Isakatuparan sana ito ng PDEA sa tulong ng iba pang ahensiya.

DROGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with