^

PSN Opinyon

Makati City handang labanan ang monkeypox at dengue

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Alam kong hindi pa tayo nakakamove-on sa epekto ng COVID-19 sa ating buhay, pero eto na naman at may bagong virus na nababalitang nakapasok sa bansa. Sinasabi ng mga eksperto na delikado ang sakit na monkeypox at may potensyal itong makahawa ng maraming indibiduwal, lalo na ang mga bata. Kaya bago pa lumaganap ang virus na ito ay minabuti na naming paghandaan at bigyan ng pro­teksyon ang ating Proud Makatizens laban sa monkeypox.

Noong August 3 ay bumuo ang pamahalaang lungsod­ ng Makati ng isang task force upang mabantayan ang kaso ng monkeypox at maiwasan ang community transmission­ ng nakahahawang sakit. Ang task force ay binubuo ng mga iba’t ibang grupo sa ilalim ng Ospital ng Makati at Makati Health Department, at ang Incident Command Post sa panga­ngasiwa ng Makati DRRMO. Ginawa namin ito upang mag­bigay ng tamang impormasyon sa lahat ng Makatizen­ tungkol sa virus at maiwasan ang pagkalat ng fake news.

Kahit wala pang recorded case ng monkeypox sa Ma­kati, dapat tayong maging prepared, informed, at proactive. Hindi na dapat hintayin pa na magkaroon ng mga kaso sa lungsod bago tayo gumawa ng plano para sa kanilang isolation at treatment. Napakaimportante rin na sa ating mga healthcare experts manggaling ang impormasyon tungkol sa mga sintomas at paraan ng pag-iwas sa pagkakasakit. Huwag basta maniwala sa chika ng mga marites sa inyong lugar, i-check niyo ang ating My Makati Facebook page dahil doon kami nagpo-post ng mga information at tips kung paano makakaiwas sa monkeypox.

Bukod sa information drive, inihanda namin ang frontliners para sa mga maaaring mangyari. Nagkaroon na ng training at seminar ang Makati City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa frontliners sa 26 barangay health centers noong June 7 at 23 upang malaman nila ang mga dapat gawin kung sakaling may magpositibo sa monkeypox.

Nakipag-coordinate rin ang CESU sa Ospital ng Makati, Makati Medical Center, at St. Clare’s Medical Center upang ma-monitor ang mga kaso sa lungsod. Ire-refer ng CESU ang mga suspected case ng monkeypox sa Research Institute for Tropical Medicine para sa tamang pagsusuri. Kung magpositibo sa monkeypox ang isang tao, gagamitin ang isa sa tatlong gusali ng Makati Friendship Suites sa Barangay Cembo para ma-monitor, ma-isolate at magamot ang pasyente. Kasabay ng information dissemination ay patuloy nating ipapatupad ang minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, pagsunod sa physical distancing, at paghuhugas ng mga kamay upang maiwasan ang monkeypox.

Kung nakakaramdam ng sintomas ng monkepox, dapat tumawag sa Makati CESU sa mga hotline numbers na ito: (02) 8870-1445, (02) 8870-1446, 09270727794, 09280492927, at 093906756.

* * *

Tag-ulan na naman at uso na naman ang dengue fever na nakukuha natin sa kagat ng lamok. Bilang nanay ay concerned ako sa safety ng ating mga batang estudyante na papasok face-to-face simula August 22.  Kaya naman naghanda kami ng anti-dengue kits na ipamimigay sa mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 6 at Special Education o SPED. Pwede nang kunin ng mga parents ang kits sa paaralan kung saan naka-enrol ang kanilang mga anak.

Ang bawat kit ay naglalaman ng mosquito repellent lotion, at wrist band na may citronella capsule at three extra capsules pang-refill. Ang bawat capsule ay tatagal ng hanggang 90 days o tatlong buwan, kaya ang kit ay magagamit talaga ng bata buong taon. Dagdag pa rito ay nag-mobilise na rin kami ng clean-up drive sa 33 barangay para puksain ang mga lamok na nagdadala ng dengue at iba pang sakit.

Nag-install na rin  ang mga tauhan ng MHD ng ovi-larvi traps at nagsagawa ng misting operations. Hindi natin kontrolado ang pagdating ng mga sakit tulad ng monkeypox at dengue. Ang pwede lang nating gawin ay pag-aralan ang mga ito at gumawa ng paraan para hindi tayo dapuan ng sakit at makahawa ng iba. Tatak na ng isang Proud Makatizen ang pagiging informed, alerto, at handang umaksyon. Stay safe po sa lahat!

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with