^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Harvest time ng sugarcane ba’t aangkat ng asukal?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Harvest time ng sugarcane baât aangkat ng asukal?

Nakapagtataka ang aksiyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal gayung panahon ngayon ng pag-aani ng tubo (sugarcane). Ang pag-import ng asukal ay nakasaad sa Sugar Order No. 4 at nakapost sa SRA website. Ang SO4 ay may lagda ni Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na kumakatawan para kay Pres. Ferdinand Marcos, na umuupong SRA board chairman; SRA administrator and vice chairman Herminigildo Serafica at SRA members Roland Beltran at Gerardo Valderrama Jr.

Noong nakaraang Hulyo 29, 2022, nagkaroon ng konsultasyon ang SRA sa sugar planters, millers, refiners at traders tungkol sa isasagawang importasyon ng asukal at iba pang detalye sa import program. Sinabi ni Serafica na walang ibang paraan kundi ang mag-import ng asukal para malutas ang problema sa kakulangan ng asukal.

Subalit ang planong pag-import ay ni-reject ni President Ferdinand Marcos Jr. Walang ibinigay na dahilan ang presidente kung bakit ni-reject ang planong importasyon. Subalit lumalabas na tutol talaga ang presidente sa importasyon hindi lamang ng asukal kundi sa iba pang agri products.

Noong Hulyo, makaraan ang kanyang inagurasyon at ginampanan ang tungkulin bilang Agriculture secretary, tutol na ang presidente sa importasyon. Ayaw niyang mag-import sapagkat ang gusto niya ay maparami ang pagkain. Sapat na pagkain ang kailangan. Bakit mag-iimport ang isang bansang agricultural.

Nakapagtataka naman ang aksiyon ng mga lumagda sa SO4 na pinangunahan ang presidente sa pag-import ng asukal. Bakit gustung-gusto nilang mag-import at hindi sinangguni ang presidente ukol dito.

Ginawa rin ang balak na pag-iimport sa panahong nag-aani na ng tubo (sugarcane). Anong nangyayari sa mga pinuno ng SRA na maraming inaaning tubo pero gusto pang mag-import? Gusto ba nilang mamatay ang industriya ng asukal sa bansa. Paano makakabawi ang mga lokal sugarcane farmers kung dadagsa ang imported na asukal sa merkado.

Kailangang magsagawa ng imbestigasyon ukol dito. Kailangang may maparusahan sa ura-uradang desisyon na pag-import ng asukal.

SRA

SUGAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with