^

PSN Opinyon

Balasahan sa PNP, ‘very disturbing’!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Maraming senior officers sa Philippine National Police ang luhaan sa ginanap na general reshuffle sa PNP noong nakaraang linggo. Kaya tinawag na general reshuffle mga kosa dahil pati ang nasa Command Group, na sina Lt. Gen. Rhodel Sermonia at Lt. Gen. Vicente Danao ay tinamaan. Si Sermonia na No. 2 man sa PNP ay itinapon sa Area Police Command-Visayas samantalang si Danao, na No. 3 at naging OIC pa ng PNP sa loob ng tatlong buwan, ay sa APC Western Mindanao naman. Araguuyyyyy!

“Very disturbing,” ito ang puna ng mga kosa ko dahil ngayon lang nangyari sa 121-taon ng kapulisan na ang No. 2 at No. 3 sa seniority ay sinibak at tinapon sa kangkungan. Ang pinakamalapit na malaking balasahan din ay noong kapanahunan ni ex-Pres. Fidel V. Ramos nang ang lahat ng senior officers ni PNP chief na si Gen. Reca­redo Sarmiento ay pinag-resign. Subalit hindi nag-resign sina DCA Percival Adiong at DCO na si Agerico Kagaoan, na kapwa nagsilbing tinik sa liderato ni Gen. Sarmiento. Matiwasay namang natapos ni Gen. Sarmiento ang kanyang termino. Mismooooo! Hak hak hak!

Masasabing historic itong balasahan sa liderato ni PNP chief Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin Jr., di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Ano ang kasalanan nina Sermonia at Danao? Hindi naman lingid sa inyo mga kosa na sina Sermonia at Danao ay kandidato sa pagka-PNP chief at naungusan lang sila ni Azurin, di ba Ka Popong Sir? Ayon sa mga Marites sa Camp Crame, inakusahan itong sina Sermonia, Danao at Maj. Gen. Val de Leon na nasa likod ng naglalabasang black propaganda laban kay Azurin sa kasagsagan ng pilian sa PNP chief.

Si De Leon ay mukhang may padrino dahil mula sa prestigious na puwesto na Directorate for Operations (DO) napunta siya sa DICTM na ayon sa mga Marites, ay isa ring kangkungan. Si CIDG director Maj. Gen. Ely Cruz ay napunta sa DIDM, na two-star pa rin. Saklaw pa rin naman niya ang CIDG. Ang tahimik sa lahat ng kandidato ay si Brig. Gen. Benjie Acorda, na Ilokano, ay napremyuhan at nadagit niya ang Directorate for Intelligence.

Ang pinakamasaya sa kanila ay si NCRPO chief Maj. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad ay napunta sa APC-Northern Luzon bago siya mag-55th birthday kaya makukuha pa niya ang kanyang 3rd Star. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize yan? Dipugaaaaa!

Sa pagreretiro ni Azurin sa Abril 23, puwede pang pumalit sina Sermonia dahil ang retirement age ay Jan. 2004 samantalang si Acorda ay sa Dec. 2003. Ang iba pa sa kanila ay kakapusin na sa araw. Itong pagsibak kina Sermonia at Danao ay magsilbing warning sa mga kandidato sa pagretiro ni Azurin na ‘wag nang magsikuhan at magbalyahan. Hayaan na lang ang accomplishments nila na magsalita para sa kanila, di ba Ka Popong Sir? Hak hak hak!

Baka kaya sinibak sina Sermonia, Danao at De Leon ay para matigil na ang sikuhan at gibaan sa PNP habang abala si Azurin sa pag-perform ng trabaho n’ya. Dipugaaaaa! Abangan!

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with