^

PSN Opinyon

First major scam sa PBBM regime

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Overpriced na obsolete pa. Iyan ang kontrobersiyang bumabalot ngayon sa Department of Education (DepEd). Pangit na pangyayari pero magandang oportunidad para kina Presidente Bongbong Marcos at VP Sara Duterte para mapatunayan ang sinseridad nila na linisin ang anomalya sa gobyerno.

Paano? Magsagawa ng no-nonsense probe si VP Sara na concurrent secretary ng DepEd at ang mga mapapa­tunayang nagkasala ay pagulungin ang ulo at kasuhan­ nang nararapat. Dalawang ahensya ang maaaring ma­nagot: DepEd at Department of Budget and Management.

Sinasabing nasa P35,000 lang ang presyo ng bawat laptop pero ayon sa DBM ang halaga ng mga ito ay nasa P58,000. Hindi ako huhusga na may mga tiwaling nagplano nito. Basta ang hangad ko ay isang pagsisiyasat na hindi pakitang tao na dito ay may mananagot.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, mag­papatawag na siya ng imbestigasyon kaugnay nito. Ang anumang imbestigasyon ng Kongreso ay in aid of legislation lamang ngunit maaari ring maging basehan sa ibang pagsi­siyasat na ang layunin ay maisakdal ang mga nagkasala.

Tulad ng nasabi ko, magandang oportunity ito para maipakita ng pamahalaan ang determinasyong masugpo ang lahat ng katiwaliang umuubos sa pondo ng pamahalaan at nagpapahirap sa taumbayan. Dapat tandaan na nahaharap tayo sa malaking economic problem at kung hindi pa mapupuksa ang mga talamak na pagnanakaw sa kaban ng bayan, kailan pa tayo aasenso?

Nananalig ako na hindi magpapabaya ang rehimeng Marcos ­sa kasong ito. Matatawag itong test case para sa presidente upang mapatunayan sa bansa ang kanyang­ malinis na intensyong paunlarin ang bansa. Sana, walang sisinuhing personalidad at kung sino ang dapat panagutin ay panagutin na.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with