^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mamahaling laptops

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL â Mamahaling laptops

Pinag-uusapan na naman ang Procurement Service of the Department of Budget and Ma­nagement (PS-DBM) dahil sa mamahaling laptop na kanilang binili intended para sa Department of Education (DepEd). Bumili ang PS-DBM ng P2.4 bilyong halaga ng laptops noong nakaraang taon. Bawat laptop ay nagkakahalaga ng P58,300. Hindi makapaniwala ang Commission on Audit (COA) sa sobrang mahal na laptop at natuklasan pa na outdated na ang processors, mabagal mag-download at hindi uubra para sa online learning.

Nabatid ng COA na ang laptop ay nagkakahalaga lamang ng P35,046.50 bawat isa at hindi P58,300. Nakakalula ang laki ng deperensiya ng laptop na binili ng PS-DBM. Masyadong malaki ang patong sa original na presyo. At ang matindi pa, luma na processors at mahina ang graphics processing units.

Nararapat imbestigahan ang isyung ito para ma­kita ang katotohanan sa likod ng mamahaling laptops. Pera ng taumbayan ang ipinambayad sa mga laptop.

Agad namang dumistansiya ang DepEd sa PS-DBM at tinuro na ito ang bumili sa mga laptop at hindi ang kagawaran. Ang PS-DBM umano ang dapat magpaliwanag at hindi ang DepEd. Ayon pa sa DepEd. Tumanggap lamang sila at hindi sangkot sa pagbili ng laptop.

Sa nakaraang Duterte administration naging kon­trobersiyal na rin ang PS-DBM dahil sa P42-billion procurement ng personal protective equipments (PPEs) na ang nakakuha ng kontrata ay ang Pharmally Pharmaceutical Corp. sa kabila na ang capital ng kompanya ay P625,000 lamang. Nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado subalit nawalan din ng saysay sapagkat ang mga opisyal ng Pharmally ay nakalaya na rin.

Sa panibagong eskandalo ng mamahaling laptops, nararapat magkaroon ng inquiry ukol dito para mahalungkat ang katotohanan. Sana, mayroon nang mangyari sa gagawing imbestigasyon sapagkat pera ng taumbayan ang sangkot dito. Saliksikin ang lahat.

DEPED

LAPTOP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with