^

PSN Opinyon

Saan lulundo ang kiling, Pilipinas, sa U.S. o China?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ngayong tumitindi ang tensyon ng China at U.S., saan kaya kikiling ang Pilipinas? Inaayos na umano ang pag-uusap nina President Marcos at U.S. President Joe Biden pero hindi matiyak kung sakop ng agenda nila ang tensyon sa Taiwan dulot ng iringan ng U.S. at China. Malamang ay oo.

Matindi na raw ang pangamba ng mga Pilipino workers­ sa Taiwan at nais na nilang magkaroon ng maayos na eva­cuation plan kung sakaling sumiklab ang digmaan. Nais kuning muli ng China ang Taiwan na dati nitong teri­toryo. Pareho ang polisiya ni Duterte at Marcos, Jr. Ang Pili­pinas ay kaibigan ng lahat at kaaway ng wala.

Puwede ito sa panahon ng kapayapaan subalit sa harap ng mga dumarating na tensyon, dapat tayong pumili ng papanigan. Mula pa noong pananakop ng mga Hapones, ang U.S. na ang laging kaalyado ng Pilipinas  hanggang dumating ang Korean War at Vietnam War, shoulder to shoulder tayong nakipagdigma sa panig ng U.S.

Nais ng mga Pinoy sa Taiwan na makipagpulong sa Manila Economic and Cultural Office upang plantsahin ang isang evacuation plan kung magkaroon ng matinding kaguluhan. Hindi simpleng problema ang kinaroroonan ng daigdig.

Nakikita natin ngayon kung epektibo ang diplomatic stand ng Pilipinas tungkol sa usapin. Itatakda ang usapan nina Marcos at Biden sa United Nations General Assembly sa New York.

CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with