^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Palakasan system’sa PNP, wawakasan?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - âPalakasan systemâsa PNP, wawakasan?

TATLONG araw makaraang italaga ni President Ferdinand Marcos Jr. si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, sinabi nito na tutuldukan niya ang “palakasan system’’ sa pinamumunuang organisasyon. Ayon kay Azurin nararapat nang wakasan ang umiiral na palakasan system sa pagtatalaga at promosyon ng mga opisyal ng pulisya.

Marami nang naging hepe ang PNP mula nang maitatag noong Enero 29, 1991 at ngayon lamang may nangako na tutuldukan ang “palakasan system”. Kapag natupad ni Azurin ang kanyang pangakong ito, siya na ang pinakamahusay at pina­ka­matapang na hepe ng PNP sa kasaysayan. Tiyak na marami ang hahanga sa kanya kapag naisaka­tuparan ang pagwasak sa “palakasan system”. Hindi siya malilimutan kahit kailan kapag natupad ang kanyang pangako.

Sinabi ni Azurin na iiral ang tama sa promosyon at pagtatalaga sa posisyon. Nararapat mauna ang seniority at kakayahan ng police officers. Ina­tasan na umano niya ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na gumawa ng long term plan sa nasabing programa. Ayon kay Azurin, dapat magkaroon ang DPRM ng five year recruitment, promotion and retirement plan.

Noon pa namamayani ang “palakasan system” sa PNP kung saan ang mga napo-promote ay may backers na maimpluwensiyang opisyal o pulitiko. Dahil sa ganitong masamang sistema, maraming kuwalipikado at may karanasan ang naba-bypassed at ang napupuwesto ay ang may maimpluwensiyang backers.

Ang “palakasan system” ang sumisira sa image ng PNP. Kapag nakagawa ng kapalpakan ang police official na may backers, dito na nagkakaroon ng pagkasira ang PNP sapagkat ibabalik muli sa serbisyo. Isinuka na pero ibinalik dahil malakas ang kapit.

Karamihan sa mga may backers ang karaniwang abusado, tamad, iresponsable at kung anu-ano pang kaangasan, dahil mayroon silang pinagma­malaking maimpluwensiyang opisyal. Harinawang maputol ni Azurin ang “palakasan system’’ sa kanyang bakuran.  

RODOLFO AZURIN JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with