^

PSN Opinyon

Kawatang dinastiya naglitawang muli

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“NAKAKALBO na ang gubat; pero tuso ang palakol; napa-paniwala niya ang mga puno na kaisa nila siya kasi kahoy ang hawakan niya,” anang kawikaing Turko. At ayun na nga, nabudol tayo ng mga kandidato nu’ng Mayo sa matatamis na salita nila na kesyo maka-masa sila.

Wala pang dalawang buwan mula nang maupo sa Kongreso, sa kapitolyo, sa city hall at sa munisipyo, hayan na sila. Binabawi na ang mga ginasta nila sa kampanya. Winner take all.

Masdan si senador na nu’ng halalan ay nangakong lalabanan ang korapsyon. Hayan, nakikipag-agawan sa ibu­bulsang pork barrel. Tignan si congressman na kakatawan daw sa magsasaka, pero pinoprotektahan ang smugglers ng manok, baboy at gulay mula China. Masdan sina governor, mayor at mga konsehal, rumaraket na sa koleksiyon ng basura, sa pagbili ng mga gamit opisina, pati sa pagpinta ng bangketa.

Ang masaklap ay asawa, anak, magulang o kapatid ang kontratista. Hayagang paglabag ‘yon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Pero hindi sila natatakot mahabla at makulong. Nakalusot na kasi sila noon. Alam kung sino’ng imbestigador o prosecutor o huwes na babalatuan ng maruming kita para maabsuwelto.

At kapag nakalusot na, siyempre ang kontratistang kamag-anak naman ang kakandidato at uupo sa susunod na halalan. Tuloy ang dinastiya. Sila-sila na lang.

Pito sa bawat sampung mambabatas at lokal na opis­yales ay galing sa political dynasties. Sa likod ng bawat programa at kilos nila ay ang pagpapanatili ng angkan sa poder. Tsamba lang kung nagkataong may konti silang­ naitulong sa kapakanan ng mamamayan. Sila ang dahilan sa patuloy na karalitaan, abuso at kawalan ng kata­rungan. Kelan kaya tayo matututo palakuluin sila para taumbayan ang yumabong?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with