^

PSN Opinyon

Huwag tatawa, kaya mo?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Kuwela ang contest na “Iyak-Tawa” sa noontime tv show noon. Kapag sinabi ng host na “Iyak!” dapat humagulgol ang contestant; kapag “Tawa!”, halakhak naman siya. Pinipili ng audience kung kaninong iyak at tawa ang pinaka-nakakahawa. Maraming malalaking premyo.

Ang tawa ay imboluntaryong reaksyon ng tao. Imbo­luntaryo tulad ng paghinga, kurap, lunok, hikab at duwal. Ang limang ito ay physiological: kailangang gawin para mabuhay ang sarili. Iba ang tawa—social ang pakay. Tumatawa ang tao para iparamdam sa iba ang galak.

Walang nagtuturo sa sanggol na tumawa. Kahit saang liblib na tribu o lungsod sa mundo tumatawa sila at nagigiliwan ang mga nakatatanda. Parang unang iyak paglabas sa sinapupunan.

Ang Five Great Apes lang ang tumatawa: orangutan, gorilla, chimpanzee, bonobo at tao. Kapag nagbibiruan ang mga matsing o aso, hindi tawa kundi kilos ang pagsaad nila ng tuwa. Hindi tumatawa ang “laughing” hyena; tunog halakhak lang ang kahol niya.

Sinuri ng mga sinaunang pilosopo at modernong psychologists kung bakit tumatawa ang tao—kapag nagbibiruan, lumalandi, nanunuya ng kaaway, kung minsan kapag kinakabahan. Ang tawa ay senyas sa iba o sa sarili na naintindihan ang joke punchline. O para maalis ang tensyon kasi hawak na niya ang sitwasyon.

Tawa ang pinakamabisang gamot. Imposibleng hindi tumawa o ngumiti man lang. Pinakasikat na painting ang ngiti ni “Mona Lisa”.

Tinatawanan pati masamang dinanas ng estranghero o sinumang malayo, pero hindi kung minamahal o kapamilya. Natatawa tayo sa circus clown na natalisod at gumulong pababa ng hagdan, kasi alam natin stunt lang ‘yon. Pero subukan mo tumawa kung nangyari ‘yan sa lola mo—tiyak wala ka ng mana. Kung ngumiti o tumawa siya, ibig sabihin wala nang tensyon, tiyak tatawa ka sa naramdamang ginhawa.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

MONA LISA

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with