^

PSN Opinyon

PhilHealth sa gitna ng pandemya

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ano ba iyan? Hindi pa natatapos ang pandemya sa COVID, naririto na naman ang bagong sakit na kung tawagin ay monkeypox. Mayroon nang naitalang kaso sa Pilipinas pero sana lang, huwag na itong humantong sa epidemic o pandemic proportion. Isang klase ito ng bulutong na tinutubuan ng blisters ang katawan. Buti na lang may PhilHealth tayo.

Kung tutukoy tayo nang isang kapuri-puring programa ng naunang rehimeng Marcos, ito ay ang pagkakalikha ng Medicare. Ito ang forerunner ng PhilHealth na tumutugon lalo na sa mga pangangailangang medikal ng mga mahihirap. Napatunayan ang silbi at kahalagahan nito lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic bagaman nagkaroon ng usapin na batid na nang marami.

Sa tingin ko naman, unti-unti nang naisasaayos ang sistema upang makapagtakda ng mga kinakailangang safeguards para maiwasan ang mga pagsasamantala, kung mayroon man talaga.

Noon pang dekada ‘60 sinimulan na ng Philippine Medical Association, isang NGO ang MARIA Project. Nagbibigay ito ng prayoridad sa mga mahihirap na komunidad na nangangailangan ng medical assistance. Ito ang na­ging inspirasyon ni Presidente Marcos Sr. para maitatag ang Medicare Program. Nilagdaan niya ang Republic Act 6111 o ang Philippine Medical Care Act of 1969 at opisyal na naipatupad noong August 1971.

Ang Philippine Medical Care Commission (PMCC) ang nangasiwa sa implementasyon ng programa na nagpatuloy kahit na noong nawala na si President Marcos Sr. Noong dekada 90, may iba pang mga pinagtibay na batas para mapagbuti pa ang serbisyo ng Medicare.

Umapela kasi ang mga mamamayan sa pamahalaan para sa isang mas epektibo at komprehensibong health insurance program. Dahil dito, naipasa ang House Bill 14225 at Senate Bill 01738 na nang mapagtibay ay naging The National Health Insurance Act of 1995 o Republic Act 7875. Ang lumagda naman nito ay ang yumaong President Fidel V. Ramos noong Pebrero 14, 1995.

At dito na isinilang ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na may mandatong magkaloob ng social health insurance coverage sa bawat Pilipino. Kaya sa pagdaraan ng mga araw at pagsulpot nang kung anu-anong sakit, lalong nagiging kailangan ang serbisyo ng PhilHealth.

Pero pray pa rin tayo. COVID, Monkeypox, alis diyan.. in the Name of Jesus!

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with