^

PSN Opinyon

Greener at cleaner Makati: push natin to!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Hindi na biro ang nararanasan nating epekto ng climate change. Sa loob lamang ng ilang taon ay tumindi na ang init ng ating klima, dumami at mas naging mapaminsala ang mga bagyo, at mas madalas ang tagtuyot sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Epekto ito ng patuloy na pang-aabuso sa kalikasan at kawalan ng solid at actionable plans ng mga lungsod at bansa. Kaya naman kami sa Makati ay nagdeklara na ng state of climate emergency noong Biyernes, Agosto 5, para gisingin at i-mobilize ang mga komunidad, organisasyon, at industriya sa lungsod na kumilos laban sa climate change.

Hindi na dapat patagalin pa ang pagwawalambahala dahil maaring mahuli na ang lahat. Mabilis at agresibo ang pagbabagong nararamdaman natin. Habang patuloy sa pagtaas ang temperatura at lebel ng dagat, ang mga low-lying coastal area sa Makati ay mas lalong nalulubog sa baha tuwing tag-ulan.

Ang tagal na nating problema ito; at para sa akin, dapat matapos na ang mga eksena ng evacuation at paglikas ng mga residente kada may bagyo.

Bilang isang progresibo at modernong lungsod, dapat nating pagtuunan ng pansin ang medium at long-term goals natin para mapigilan na ang mga ganitong suliranin tuwing tag-ulan.

Isa sa mga prayoridad natin ay ang mahigpit at malawakang pagpapatupad ng mga plano at programa para mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Ayaw ko rin na puro drawing at hanggang meeting lang. Ipu-push talaga natin ang pagbili ng electric vehicles tulad nang electric buses. Lalagyan din natin ng mga solar panel ang lahat ng pampublikong paaralan at opisina ng gobyerno.

Sa ganitong paraan, makaka-save tayo nang mala­king pera sa ating energy consumption at maisusulong pa natin ang paggamit ng sustainable at renewable energy sa mga negosyo, paaralan, buildings, at malls sa Makati.

Bukod pa rito ay mas tututukan pa namin ang pagpapatupad ng Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plastic ban sa mga kabahayan at business establishments, pagbabawal sa paninigarilyo, Anti-Smoke Belching Ordinance, at Greenhouse Gas Reduction Ordinance.

Tuloy-tuloy din ang pagpapagawa ng Makati Subway na inaasahang magpapagaan ng trapiko sa lungsod at makatutulong sa pagbabawas ng GHG emissions.

But wait, there’s more! Noong Wednesday ay pumirma na kami ng kasunduan with Korea International Cooperation Agency (KOICA) para magtayo ng isang smart public transport system para sa electric buses.

Kaya my dear #ProudMakatizens, abangan n’yo na ang pagpasada ng mga green at smart buses sa mga pangunahing kalsada sa Makati very soon!

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with