^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kaso ng dengue patuloy sa pagdami

Tumaas ng 100 percent ang kaso ng dengue ngayong taon. Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala ng 90,422 kaso mula Enero 1 hanggang Hulyo 23. Pinakamataas ang kaso sa Central Luzon na may 13,449; Central Visayas, 8,905; Western Visayas, 7,825 at National Capital Region, 694. May kabuuang 365 ang namatay sa buong bansa.

Naghahatid ng pangamba ang pagdami ng kaso ng dengue at maaaring dumami pa dahil sa walang tigil na pag-ulan. Tatlong araw nang umuulan sa maraming bahagi ng bansa at nagdulot na ng mga pagbaha. Mas maraming nangingitlog na lamok ngayong tag-ulan.

Ang dengue ay hatid ng lamok na tinatawag na Aeidis Aegypti. Madaling makilala ang lamok na ito dahil sa itim at puting guhit sa katawan nito. Sa araw lamang nangangagat ang lamok na ito. Pabo­ritong tirahan ng lamok ang mga basyo ng bote, goma o gulong na may istak na tubig, mga tabo o paso ng halaman. Nangingitlog din ang mga ito sa mga estero na hindi umaagos. Naninirahan din sa malalagong halaman. Ipinapayo na huwag magsasampay ng damit sa madilim na bahagi ng bahay.

Sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, paglabas ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng ulo at katawan. Ipinapayo ng mga eksperto na kapag naka­ranas ng ganitong sintomas, magpatingin agad sa doktor. Huwag balewalain ang mga sintomas ng dengue.

Ngayong tuloy na tuloy na ang face-to-face classes sa Agosto 22, nararapat na linising mabuti ang mga school. Dahil sa pagkakatigil ng F2F nang ma­higit dalawang taon dahil sa pandemya, tiyak na maraming lamok ang namamahay sa mga school. Siguruhing nalipol na ang mga lamok bago ang pagsisimula ng face-to-face. Linisin din ang paligid ng eskuwelahan lalo na ang mga nasa tabing ilog o mga dinadaluyan ng tubig.

Magkaroon pa ng masidhing kampanya ang DOH laban sa dengue. Ituro ang mga nararapat gawin ng mamamayan kung paano makaiiwas sa dengue. Pagsuutin ng mahabang manggas na damit at jogging pants ang mga bata para makaiwas sila sa dengue.

vuukle comment

CENTRAL LUZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with