^

PSN Opinyon

Casino junket sa Baguio at CAR

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Namamayagpag ang casino junket sa Baguio City at Cordillera Autonomous Region (CAR). May mga umiikot na facilitators ng players clubs na nag-eengganyo sa publikong mag-invest ng pera na tutubo ng limang porsi­yento buwan-buwan. Gagamitin umano ang investment sa Okada sa Parañaque para lumago.

Sino ba naman ang hindi kakagat sa investment na P50,000 ay tutubo ng P2,500 kada buwan. Ang pang-akit pa ng mga kawatan, mas malaking investment, mas malaking tubo.

Walang mag-aakalang scam ang naglipanang casino junkets sa Baguio at CAR.

Sa Cordillera Region, P1.5 bilyon na ang nalikom na investments ng isang grupo. Lahat ng investors ay nasisilaw sa magagarang sports cars ng facilitator tuwing manghihikayat ng investor.

Marahil tumubo na ang iba sa limang porsyentong kita. Siguro pati ang porsyento ay idinadagdag na bilang top up investment para lumaki pa balang araw.

Ang hindi alam ng investors, nag-iipon lang ng investments ang grupo at saka maglalaho na parang bula.

Ayon sa Securities and Exchange Commission, kapag hindi rehistradong investment house ang isang kompanya, hindi ito makakalikom ng investments at malaking peligro sa investors.

Kaya, mag-ingat sa panggagantso ng mga casino junkets.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

CAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with