^

PSN Opinyon

DOJ tutulong sa datos ng drug war ni Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Matapos tiyakin ni President Bongbong Marcos na hindi na sasapi ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), sinabi naman ng Department of Justice na handa nitong ibigay ang mga datos tungkol sa drug war ni dating President Rodrigo Duterte.

Ayaw daw manghimasok ng bansa ng mga banyaga sa mga problemang panloob ng Pilipinas, porke may sarili tayong judicial system.

Ngunit ano kaya ang magiging pagtanggap ng taumbayan sa ganitong kaisipan?

Marami pa ring panatiko si Duterte na kahit ang mga palpak niyang pasya ay niluluhuran at sinasamba.

Palibhasa ang nais usigin ng ICC ay ang pagkapatay sa mga mahihirap na kabataang pushers imbes na ang mga bilyonaryong drug lords. Marami ring nga Pilipino ang nanggagalaiti sa galit dito.

Pero sino bang ordinaryong Pilipino ang makahahadlang sa pasya ng lider ng bansa?

Parang ang lumilitaw ay protektor ni Duterte si Marcos na tumatanaw ng debt of gratitude sa suporta nito sa kan­yang panalo. Hindi naman sana pero kung pagtatagpi-tagpiin ang mga panyayari iyan ang mahihinuha.

DRUG WAR

ICC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user