^

PSN Opinyon

PCSO, priority ang charitable activities!—GM Mel Robles

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Prayoridad ngayon ng liderato ni Philippine Charity­ Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles ang charitable activities. Kaya’t ‘wag na kayo magtaka mga kosa kung madalas n’yong makita si GM Robles sa Abra, na tinamaan ng 7.3 na lindol, dahil ang pagtulong sa kapwa Pinoy ang nasa isipan n’ya. Halos dalawang araw pa lang sa puwesto si Robles nang tumulak s’ya sa Abra at namigay ng mga gamot at food packs.

Nag-abot din siya ng ambulansiya sa local government unit (LGU) para magamit ng mga residente na naapektuhan ng lindol. Nitong nakaraang Martes, umayuda rin ang PCSO ng P500,000 kay Sprint Queen Lydia de Vega na nakaratay sa ospital. Ayon kay Robles, saka na niya haharapin ang problema ng PCSO, tulad ng midnight deals ng nakaraang pamunuan, pagkatapos ma-stabilize na niya ang takbo ng kanyang opisina. Eh di wow! Hak hak hak!

Singilin mo din GM Robles ang mga tiwaling financiers ng Small Town Lottery (STL) na ang iba ay tumataginting na bil­yones na. Mismooooo! Hehehe! Habulin mo rin ang mga STL operators na bino-bookies ang laban nila. Dipu­gaaaaa!

At dahil nga mataas ang gastusin sa charitable activities ng PCSO dahil maraming maysakit na mga Pinoy ang nakapila dito, nag-iisip ng kung anu-anong paraan itong sina Robles at chairman Junie Cua para iangat ang kita ng ahensiya. Hindi naman natin maikaila mga kosa na itong PCSO ang dumadamay sa maysakit nating kababayan kaya pinag-aralan ni Robles kung paano mapabilis at dag­dagan ang ayuda nila sa mga ito.

Ayon kay Cua ang PCSO ay rumirespondo sa halos lahat na pangangailangan ng mga Pinoy na maysakit kaya’t kailangan nila ng karagdagang pondo para lahat ng request ng tulong ay matugunan ng ahensiya. Kasama sa nasa isip ni Cua sa pag-improve ng revenue generation­ ng PCSO ay ang digitalization ng kanilang palaro para dumami ang maganyak at mapabilis ang pagtaya ng mga Pinoy. Mismooooo! Hak hak hak!

Marami ring nakabinbin na mga proyekto ang PCSO na puwedeng bisitahin nina Robles at Cua at ituloy ito kung makakatulong sa income generation nila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Hindi nagkamali si President Bongbong Marcos Jr. sa pagtalaga kina Cua at Robles sa PCSO dahil ang nasa isipan nila ay ang pagtulong sa kapwa. Kaya kapag magiging maganda ang performance nilang dalawa sa PCSO, aba siyempre ang aani ng pogi points ay walang iba kundi si President BBM, di ba mga kosa? Ano sa tingin mo kosang Agila Arriola? Abangan!

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user