^

PSN Opinyon

Ang legacy ni President FVR

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Napakaganda ng mga review kay yumaong President Fidel V. Ramos.

Itinuturing siya ng mga newsmen na dating komober sa kanya na mahusay na Pangulo nagsilbi noong dekada 90. Kahit mga ordinaryong­ mamamayan ay nakiramay sa kanyang pagyao at nagpasalamat sa kanyang Philippine 2000 program sa pama­magitan ng social media

Tunay naman, dahil sa programang nabanggit, nagkaroon ng patas na pakikipagkalakalan ang Pilipinas sa ibang mauunlad na bansa. Nagbunga ito ng pagtaas sa ekonomiya ng ating bansa. Dangan nga lang, may mga bumabatikos sa kanya sa pagbebenta ng mga propriyedad tulad ng Fort Bonifacio at iba pa.

Mula sa pagiging Sick man of Asia, ang Pilipinas ay inam­bisyon niyang maging Tiger Economy. Muntik na marahil nating narating ang estadong yaon pero napakaigsi ng termino para sa isang mahusay na Pangulo.

In fairness naman, may pinagtibay na batas noong pa­nahon ni Cory Aquino sa privatization o pagbebenta ng mga military facilities upang ang kikitaing pondo ay magamit sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.

Pero on the whole, agree ako na si Ramos ay isang mahusay na leader at mapagkumbaba. Hindi na siya ang Pangulo noon at ako naman ay naging Editor in Chief na ng Pilipino Star Ngayon. Hindi ko akalaing tatawagan niya ako nang personal upang linawin ang kangyang panig sa isang hindi magandang issue na nalathala sa ating tabloid.

Ganyan siya ka-down to earth. Hindi pikon kaya naman siya’y naging “darling of the press.’’

FIDEL RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user