^

PSN Opinyon

Illegal drugs laganap  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TUMATAAS na naman ang kaso ng COVID sa bansa dahil­ marahil sa mga matitigas ang ulo na nilalabag ang health protocols. Ganunman sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na wala nang magaganap na lockdown pero nagpa­alala ito sa taumbayan na magpabakuna at magpa-booster shots. Ayon sa DOH, may 32,637 na active cases sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan nakikipagnegosasyon ang mga opis­yales ni Marcos sa mga drug company upang mapalitan­ ang mga nag-expired na bakuna. Agad namang may tumugon na papalitan nila ang mga expired vaccine subalit wala pang linaw kung kasama rito ang mga biniling bakuna ng private sectors. Sana magpabakuna o magpa-booster na ang mamamayan. Samantala, may nagpositibo ng Pinoy­ sa monkeypox. Bagama’t hindi ito mapanganib dapat ding mag-ingat dahil mabilis makahawa.

Samantala, grabe na ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa. Kamakailan, P400 milyong halaga ng droga ang nasakote ng PNP sa Pampanga. Nangyari ito makaraang tapyasin ng U.S. Senate ang kanilang suporta sa PNP.

May kaugnayan siguro ito sa pagbalewala ng Duterte administration sa isinasagawang imbestigasyon ng Inter­national Criminal Court (ICC). Wala pang nabubuong hakbang ang Pilipinas tungkol sa paggiit ng ICC na papasukin sila ng bansa upang imbestigahan ang patayang naganap hinggil sa pakikipagdigma ng nakaraang administrasyon kontra droga.

Maraming nagsabi na dapat nang ibalik ang bitay sa mga drug traffickers. Noong panahon ni dating President Ferdinand Marcos Sr., ipinakita sa buong mundo kung paano pinatay sa firing squad ang Chinese drug trafficker na si Lim Seng. Kaya ang inaasahan ngayon ng taumbayan ay ipakita ni Marcos Jr. ang kanyang kamay na bakal sa pagsupil sa drug traffickers.

Abangan.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with