^

PSN Opinyon

#ProudMakatizens, pinatunayang alert at handa sa lindol

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Una sa lahat, nais kong magpaabot ng pakikiramay sa mga pamilyang naapektuhan nang malakas na lindol noong nakaraang linggo. Hindi biro ang pinsala at trauma na dinanas ng ating mga kapatid sa mga probinsya sa norte tulad ng Vigan at Abra.

Bukod sa pinsala sa kanilang mga negosyo at ari-arian ay nasira rin ang napakaraming cultural at heritage sites sa rehiyon. Kababanggit ko pa lang na napakahalaga ng mga historical sites na ito bilang pamana sa mga susunod sa henerasyon. Pero, malaking pasasalamat pa rin sa Diyos dahil kakaunti lamang ang naiulat na nasawi at nasaktan sa 7.3 magnitude earthquake pati na rin ang halos isang libong aftershocks na yumanig sa Ilocos at Abra ng mga sumunod na araw.

* * *

Isa sa major programs ko sa Makati ang disaster preparedness and awareness pati na rin ang ating emergency preparation para sa lahat ng #ProudMakatizens. Maging mga mag-aaral natin sa kindergarten ay inihahanda para alam nila ang gagawin kapag may emergency o disaster. Sa katunayan, noong lumindol last week ay hindi nag-panic ang #ProudMakatizens na nasa kani-kanilang mga bahay, trabaho, at eskuwelahan.

Proud akong i-report na maging ang mga batang nagre-remedial classes ay naalala ang kanilang training na “duck, cover, and hold.”  Tahimik at kalmado naman na nag-eva­cuate ang libu-libong empleyado sa tatlong Makati City Hall buildings noong Wednesday. Matapos ang mahigit isang mi­nutong pagyanig ay organisadong nag-evacuate ang mga kawani ng City Hall patungo sa kanila-kanilang puwesto sa nakatalagang emergency evacuation route. 

Wala ring naiulat na nasaktan, maliban sa iilang emple­yadong nakaranas ng pagkahilo at bahagyang pagtaas ng blood pressure. Sila ay dali-daling binigyan ng first aid ng ating mga experts na nasa field. Hindi rin sila bumalik agad sa kani-kanilang mga building hangga’t hindi nagbigay ng clearance ang mga building officials na “safe to occupy” na ang mga opisina. Nag-resume din agad ang pagbibigay ng serbisyo matapos ang ilang oras.

 Simula 2018, aktibo na ang Makati sa pagsasagawa ng mga fire at earthquake drill para sa ating mga estudyante at empleyado. Para sa amin ay importanteng ma-train ang lahat na hindi dapat mag-panic pag may mga ganitong pangyayari. Sa halip ay dapat maging kalmado, alert, at prepared para sa mga susunod na hakbang na dapat gawin.

 Kung inyong matatandaan, noong 2018 din ay nagpamahagi kami ng “Go Bags” sa mga estudyante at lahat ng pampublikong paaralan sa Makati. Parte ito ng mas malawak na programa na bumuo ng disaster resilient at sustainable communities.

Ang Emergency Go Bag 1-A ay may lamang 91 items, kasama na rito ang hygiene kit, light at communication, first aid, protection, at emergency tools. Mayroong din itong thermal blanket, tube tent, emergency rope, at Hand Crank Radio na may flashlight. Ang Emergency Go Bag 2 naman ay isang individually packed emergency kit that na may 14 items. Kasama rito ang food bar, emergency stick, thermal blanket, and N95 mask.

Binigyan din ng helmets ang mga bata, teacher, at iba pang school personnel. Ito ang kanilang ginagamit kapag may earthquake at fire drills. Pinili naming i-empower at i-equip ng lahat ng #ProudMakatizen ng mga gamit at tamang kaalaman para manatiling ligtas at safe sa panahon ng sakuna.

Kapag may bagyo, sunog, o lindol, importanteng maging alert at panatilihin ang presence of mind. Mas makakatulong ito para manatiling ligtas at safe ang ating pamilya, mga kasama sa trabaho, at mga bata sa paaralan. Higit sa lahat, patuloy tayong magdasal sa Panginoon para sa kaligtasan at proteksyon ng lahat. Stay safe, Makatizens!

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with