^

PSN Opinyon

Wala nang lockdown  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ipinahayag ni President Marcos Jr. sa kauna-unahan niyang State of the Nation Adress (SONA) noong Lunes na wala na raw magaganap na lockdown. Tama naman ito sapagkat hindi na kakayanin ng pamahalaan kung sasa­ilalim uli sa lockdown. Kaya nararapat namang sumunod ang publiko sa health protocols na pinaiiral ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health (DOH). Laging magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at panatilihin ang social distancing. Huwag sanang matigas ang ulo sapagkat may kakaharaping kaparusahan depende sa ordinansang ipina­tutupad ng local government units (LGUs) ang mga susuway sa paglabag sa health protocols.

Samantala, maraming baguhang pulitiko ngayon ang nagbabalangkas ng batas na hindi tuluyang naisabatas ng nakaraang administrasyong Duterte. Puntirya ng mga bagu­hang mambabatas na tapusin ang mga hindi natapos na batas pangkalusugan na kabilang sa prayoridad ni BBM.

Sabi ni Quezon 4th District Rep. Keith Micah “Atty. Mike” D.L. Tan na tutuparin ang mga repormang pangkalusugan na hindi natapos ng kanyang ina. Kabilang sa landmark health reform na ito ay ang pagtatatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control Act (House Bill No. 281); Virology Institute of the Philippines Act (House Bill 282); at Medical Reserve Corps Act (House Bill 285) na pawang inaprubahan na nang nakaraang Congress. 

Matatandaan na pinangunahan ni dating Representative Angelina “Helen” Tan ng 4th District ng Quezon­ at ngayon ay governor ng Quezon ang pagsasabatas ng mga ito bilang chairperson ng Committee on Health sa Mababang Kapulungan. Naniniwala si Tan na ang maagang pag­kilos upang maging ganap na batas ang Center for Disease Prevention and Control Act ay kailangan ng bansa, tulad­ din ng lahat ng health systems sa mundo na pawang mga kulang sa kahandaan sa hamon ng pandemya tulad ng COVID-19. “The bill seeks to modernize the country’s capa­bilities for public health emergency preparedness and strengthen the current bureaucracy that is mandated to address communicable diseases in the country through orga­nizational and institutional reforms,” sabi ni Tan.

Upang maging handa kontra public health emergencies, binigyang diin ng baguhang mambabatas na kailangang magsimula sa health modernization at institutional reforms. “We cannot­ keep on rearranging the boxes in our health orga­nization without capacitating our health personnel and re­sources. The moderni­zation and reorganization of our health system must go hand in hand to protect the public from health risks,” ayon pa kay Tan. 

Samantala ang panukalang pagtatayo ng Virology Ins­titute of the Philippines (VIP) ay layuning sumentro sa pag­­pa­paunlad ng mga larangan para sa virology science at technology appli­cations nito sa mga halaman, hayop at tao. Ang VIP din ang magpa-facilitate sa paghahanda ng bansa kontra pandemya o public health emergencies at layunin din nito na matamo ang vaccine self-sufficiency. Ang pagtatatag naman ng Medical Reserve Corps sa kabilang banda, ay pro­active response na kailangan palakasin ang mga medical frontliners sa panahon ng public health emergencies at sa iba pang dahilan bilang tugon sa mga banta sa kalusugan ng publiko. Hinikayat ni Tan ang mga members ng 19th Congress na suportahan at madaliin ang pagsasabatas ng mga priority bills ng presidente na matagal nang overdue.

LOCKDOWN

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with