^

PSN Opinyon

Babala ng DSWD sa mga umaabuso sa 4Ps  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAHIL sa paglabag sa hindi pagsusuot ng seatbelt tatlong kalalakihan ang nahaharap ngayon sa asunto. Siguradong pagsisisihan na nila ang kanilang pagbalewala sa batas na pinaiiral ng Land Transportation Office (LTO). Nabulaga ang tatlo sa isinasagawang Anti-Carnapping Operation ng grupo ng Traffic Enforcement Branch, RHPU-NCR sa ilalim ng pangangasiwa ni deputy chief Maj. Joselito E. Quila.

Bukod sa paglabag sa ‘di pagsusuot ng seatbelt, nadiskubre nina Quila na ang nakakabit na plaka sa sinasakyan­ ng tatlo na Suzuki Ciaz Gl-At Sedan 2019 ay plaka pala na naka-rehistro sa Toyota Corolla. Kaya habang kinakausap ng operatiba ay napansin ang nakausling baril sa isang pasahero kaya naging maurirat na sina Quila.

Napansin din ang baril na nakasiksik sa gilid ng drayber at nang pababain ito may nadiskubreng nakasukbit na­­­ ba­­ril sa baywang ng isa pang pasahero. Walang naipakitang dokumento ang mga suspek kaya binitbit na sila sa Camp Crame upang pansamantalang ikustodiya ng PNP. Ayon kay Quila ang mga inaresto ay nahaharap sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Bukod pa riyan ang kahaharapin nila sa ‘di pagsusuot ng seatbelt at no plate, no travel at iba pa. Mukhang epek­tibo itong inilatag na Anti-Carnapping Operation ng Traffic­ Enforcement Branch, RHPU-NCR na dapat na palawigin o pairalin nang tuluyan upang mapigilan ang pag­la­ganap ng pananambang o pagpatay sa mga walang kalaban-labang mamamayan.

Isama na rin ninyo ang walang humpay na pagpatay ng mga riding-in-tandem. Huwag sanang maging ningas kugon lamang ang inyong ipinamalas o pagpapasikat sa kauna-unahang State of tha Nation Adress (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. Hindi naman maitatatwa ang sunud-sunod na pagpatay sa mga barangay chairmen na ang pangunahing suspek sa mga ito ay riding-in-tandem.

Samantala, bilang na ang oras ng mga hindi kuwalipikadong tumatanggap ng 4Ps mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni Secretary Erwin Tulfo. May 1.3 milyong beneficiaries ang matatapyas sa listahan ng mga tumatanggap ng 4Ps.

Ayon sa DSWD mahigit apat na milyon ang dati nang nabibiyayaan ng ayuda, subalit ang ilan sa mga ito ay umangat ang pamumuhay matapos makapagtapos na sa pag-aaral ang mga anak. Siyempre ang natapyas sa listahan ang magkakaroon ng tsansa sa nakapilang 10 milyong mahihirap.

Kaya may panawagan si Tulfo na ipagbigay alam agad sa kanyang tanggapan ang mga nag-graduate na ang ang mga anak ngunit tumatanggap pa rin ng 4Ps. Magbibigay si Tulfo ng pabuya sa bawat maisusuplong na tumatanggap ng 4Ps kahit hindi na kuwalipikado. Maganda ang naisip ni Tulfo para mawalis na ang mga abusadong nakikinabang sa ayuda.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with