^

PSN Opinyon

P50-M nakulimbat sa Baguio Public Market

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Fifty million pesos ang nakulimbat sa Baguio City public market noong 2020, ayon sa imbestigasyon ni Mayor Benjamin Magalong. Mga collector ng treasurer’s office at mga retiradong empleyado ang sangkot sa nakawan.

Ganito ang ginagawang pagkulimbat: Halimbawa, P4,000 ang siningil na arrival fees sa merchants pero ang naka-reflect sa duplicate copy ng resibo ay P70 lamang at ito ang isusumite sa Baguio City Treasury.

Daang merchants sa Baguio City public market araw-araw at sa tagal nang nagaganap ang korapsiyon dito, marahil ay hindi lamang P50-milyon ang nakulimbat ng mga naniningil ng arrival fees. Sa tantiya ko, baka bilyones na ang nakulimbat.

Kung hindi nakulimbat ang binabayad sa public market, tiyak na nakapagpatayo na ang Baguio City nang maayos at malinis na palengke.

Kaya naman nagbubunyi ang mamamayan ng Baguio City dahil inumpisahan nang kasuhan ang mga tiwaling empleyado at collector ng treasurer’s office.

Lima na ang nasasakdal sa kasong malversation through falsification of public documents and falsification by public official dahil sa padding ng mga resibo. Apat na collector ng city treasurer’s office ang kinasuhan.

May mga nagsasabi naman na bakit hindi imbestigahan din ang mga tauhan ni Mayor Magalong na sangkot sa katiwalian. Ayon sa report, may mag-asawa, magkapatid, ilang opisyal ang diumano’y gumagamit sa pangalan ni Magalong para makakamal ng pera.

Imbestigahan din daw ni Magalong ang nangya­yaring katiwalian sa sub-leasing sa stalls sa public market. Ilegal daw ito Mayor Magalong, ayon sa Baguio City tax ordinance!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

BAGUIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with