^

PSN Opinyon

Para makaiwas sa sakit, uminom ng 8 basong tubig

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Alam n’yo ba na ang katawan natin ay puno ng tubig? Ang utak natin ay may 74 percent tubig. Ang masel natin ay 75 percent tubig. Kahit ang matigas nating buto ay may 22 percent na tubig.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit napakaraming Pinoy ang ayaw uminom ng tubig. Mayroon diyan, tatlong baso lang kung uminom sa isang araw. Kulang po ito. Heto ang mga sakit na matutulungan sa pag-inom ng sapat na tubig:

1. Sakit sa bato—Ang sanhi ng bato sa bato (kidney stones) ay ang kakulangan sa tubig. Dahil dito, nagiging madilaw ang ihi at namumuo tuloy ang bato. Mag-ingat at baka tumuloy sa kidney failure at dialysis.

2. Impeksiyon sa ihi—Kapag kulang sa tubig, mas kakapitan ng impeksiyon sa ihi o balisawsaw.

3. Lagnat—Nakapagpapababa ng lagnat ang pag-inom ng tubig. Ito’y dahil maiihi ang “init” ng katawan. Painumin ng tubig at juice ang mga may lagnat.

4. Ubo, sipon at trangkaso—Ang sapat na tubig ay nagpapalabnaw ng sipon at plema. Mas bibilis din ang paggaling sa trangkaso.

5. Pangangasim ng tiyan—Malaki ang tulong ng tubig para mahugasan ang acid sa sikmura. Sa pag-inom ng tubig, mababawasan ang ulcer, impatso at sakit ng tiyan. Mas gusto ng tiyan ang maligamgam na tubig.

6. Para lumakas – Kapag kulang sa tubig, magiging matamlay at manghihina. Lalo na kapag mainit ang panahon dapat uminom nang maraming tubig.

7. Sakit ng ulo – Nakatutulong ang tubig sa pagtanggal ng migraine o sakit ng ulo.

8. Para pumayat – Bago kumain, uminom ka muna ng 1-2 basong tubig. Mabubusog ka nito at hindi ka mapa­pakain nang marami. Hindi nakatataba ang tubig.

9. Para gumanda – Ito ang mahalaga sa lahat. Ang beauty secret ng mga dermatologists ay tubig lang. Kapag kulang ka sa tubig, lulubog ang iyong mata at kukulubot ang balat. Uminom ng tubig para kuminis at kumintab ang kutis.

Anong klase ng tubig ang dapat inumin? Alam kong may kamahalan, pero uminom na lang ng bottled water, purified water o pinakuluang tubig. Hindi tayo nakasisiguro na ligtas ang tubig sa gripo.

TUBIG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with