^

PSN Opinyon

Maraming benepisyo ang kulambo  

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

GUMAGAMIT ba kayo ng kulambo (mosquito net)? Kung hindi pa, puwede ninyo itong subukan dahil sa maraming benepisyo nito lalo na ngayong marami ang nagkakasakit ng dengue dahil sa kagat ng lamok.

Mayroon akong kuwento na may kaugnayan sa kulambo. Isang gabi na ako’y natutulog, biglang may lumipad na ipis sa aking mukha. Gulat na gulat ako. At sa pagkagulat, muntik na akong mahulog sa kama. Mula noon, nagkulambo na ako para hindi na madapuan o maliparan ng ipis.

Narito pa ang mga benepisyo ng kulambo:

1. Ang kulambo ay ginagamit upang harangin ang mga insekto at hayop tulad ng lamok, langaw, ipis, daga at kulisap. 

2. Ginagamit upang hindi makagat ng lamok na nag­da­dala nang maraming sakit tulad ng dengue, malaria, Japanese encephalitis at iba pa. Nakamamatay ang mga nabanggit na sakit.

3. Sa gumagamit ng electric fan o air condition, may tulong din ang kulambo para hindi direkta na tumatama ang hangin sa mukha. Puwede kasing magdulot ng sore throat at panunuyo ng lalamunan kapag nakatapat sa hangin. Sa akin, pinapatungan ko pa ng manipis na tela ang ibabaw ng kulambo para pangharang sa direktang hangin sa bibig. 

4. Minsan may aksidente pa na mahuhulog ang ilaw o dumi mula sa kisame. Kahit papaano, makahaharang din ang kulambo.

5. Sa mga lugar na may malaria, may mga kulambo na may kasama nang insecticide. Ginagamit ito sa Africa at sa lugar na may malaria.

Payo ko lang na piliin ang angkop at nababagay na kulambo sa inyo. Marami kasing uri ang kulambo.

KULAMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with