^

PSN Opinyon

Kalituhan sa bagong P1,000 bill  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TUMATAAS na naman ang bilang ng mga nagkaka-COVID. Noong Linggo, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,500 kaso. Nagpaalala ang DOH at Inter-Agency Task Force (IATF) na sumunod ang lahat sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, magkaroon ng scoal distancing at ang pinakamahalaga, magpabakuna at magpa-booster shot. Ito ang mga tamang paraan upang makaiwas sa virus.

Noong nakaraang linggo, tinamaan ng COVID si President Ferdinand Marcos Jr. Nag-isolate agad siya at kahapon ay natapos ang kanyang isolation period. Balik trabaho na raw siya.

Hindi naging malala ang sakit ni BBM dahil bakunado siya at mayroon na ring booster shots. Hinikayat ni BBM ang taumbayan na magpabakuna at magpa-booster.

Sa Iloilo, may panukala si dating DOH secretary at ngayon ay Iloilo congresswoman Janet Garin na bigyan ng transportation allowance ang nagnanais na magpabakuna at magpa-booster shot upang mahikayat ang lahat. Maganda ang panukala at siguradong marami ang makukumbinsi para magpabakuna.

Sa mga lungsod sa Western Visayas may mga mall na pinaiiral ang “no booster, no entry” na nagbibigay kalituhan sa mga mamamayan. Si Capiz Governor Fredinoel “Oto” Castro naman ay naglabas ng ordinansa para hulihin ang mga matitigas ang ulo na patuloy na nilalabag ang pagsusuot ng face mask.

Sa unang paglabag ay warning at bibigyan ng face mask, subalit sa susunod ay magmumulta ng P1,000.00. Sa hirap ng buhay, malaking kabawasan na ang P1,000. Kaya may panawagan si Castro sa Capiseños na ugaliing magsuot ng face mask sa paglabas ng bahay. Hinikayat din niya ang lahat na magpabakuna at magpa-booster. Katwiran ni Castro, kung maiiwasan na ang nakakahawang virus, sisigla ang negosyo at maipanumbalik na ang normal na buhay ng mga tao.

Samantala, mukhang may kalituhan ang sambayanan sa  bagong imprentang P1,000 na kapag natupi raw, mahihirapan nang ibayad lalo na sa mga department store. Kaya may panu­kala si Albay Congressman Joey Salceda na repasuhin ng Central Bank ang alituntunin sa bagong P1,000 bill.

Si Sen. Koko Pimentel naman ay nagpanukala na huwag­ nang ituloy ang pag-imprenta ng bagong polymer banknotes. Kung sabagay mahirap na ngang kitain ang P1,000, e kaila­ngan pa ang todong pag-iingat upang di madungisan. Paano na lamang kung nagtitinda ka ng isda na palaging basa ang iyong kamay, kailangan munang maghugas at magpatuyo ng iyong mga kamay bago tanggapin ang P1,000?

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with