^

PSN Opinyon

Infrastructure plan baguhin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Bigo ang programang “Build, Build, Build” ng administras­yong Duterte. Labing-apat lang sa 119 infrastructure flag­ship projects ang natapos sa anim na taon. Umasa kasi sa pangakong pautang mula China, na hindi naman tinupad. Isinuko ang Sandy Cay at hinayaang kontrolin ng China ang walong bahura at pangisdaan sa West Philippine Sea. Isinantabi ang panalo ng Manila sa Permanent Court of Arbitration kontra pagnanakaw ng China ng bahura, minerals at isda natin. Walang epekto.

Dapat pa ring gumawa ng highways para idugtong ang silangan at kanluran ng Luzon hanggang Mindanao­. Tren din mula Ilocos hanggang Bicol, at paikot ng Min­danao. At mga tulay pantawid sa ilog at magkakalapit na isla. Airports sa bawat capital sa Visayas at Mindanao. Pier na roll-on, roll-off sa bawat malaking isla at lungsod­. General hospitals sa bawat probinsiya. Irigasyon, kuryente­, tubig, telecoms.

Huwag nang umasa sa pahiram. Baon na ang bansa sa P13-trilyong utang, mahigit kalahati nu’n sa ilalim ni Duterte. Magastos ang estilong utang kasi bilyong piso agad ang nauubos sa feasibility planning pa lang ng gob­yerno. Dapat baguhin na.

Ibalik ang Public-Private Partnership. Sa PPP, ililista­ ng gobyerno lahat ng dapat ipagawang infrastructures. Pag-aaralan ng mga pribadong kompanya kung anu-ano ang kaya nilang gawin. Sarili nila ang pondo, mula feasibility studies hanggang implementasyon. Magsusumite sila ng unsolicited proposals. Sa ilalim ng Build-Operate-Transfer Law, maaring maglahad ang kakumpetensiya ng mas ma­ganda pero mas murang plano. Puwede itong tumbasan ng original proponent; kung ‘di kaya, sa kakumpetensiya na ang proyekto.

Sa paraang PPP nagawa ang MRT-3, MRT-7, LRT-1 extension, Cebu at Davao International Airports, North at South Luzon Expressways, Tarlac-Pangasinan-La Union Ex­press­way, Cavitex, Cavite-Laguna Expressway, at iba pa. Naniningil pambawi ng puhunan. Episyente ang palakad at maintenance. Napapalago ang kalakal at trabaho.

BUILD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user