^

PSN Opinyon

Mga tanong sa perang polymer

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Nasa sirkulasyon na ang P1,000 bills na gawa sa polymer. Ideya ito ni dating Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at ngayo’y Finance secretary Benjamin Diokno. Halos lahat na ng mga bansa ay polymer na ang pera at tanging Pilipinas na lamang daw ang gumagamit ng perang papel na gawa sa abaca fiber. Ayon sa BSP, ang synthetic polymer ay matibay at hindi nasisira kahit mabasa o kahit malantad sa araw.

Sa kabila nito marami pa ring katanungan ang naglabasan kaugnay sa bagong  polymer banknotes.

Mga katanungan na dapat sagutin ng mga awtoridad upang hindi malito ang mamamayan.

Hindi raw dapat tupiin ang P1,000 polymer bill at baka maapektuhan ang pagkakaimprenta nito. Baka raw mabura ang mga nakasulat. Totoo ba ito?

Kailangan bang magbago ng automated teller machines (ATMs) para sa bagong P1,000 polymer banknotes dahil mas mahaba raw ito kumpara sa lumang P1,000 bill?

Ano ang totoo?

Totoo bang madaling ma-fake ang bagong P1,000 polymber banknotes? Ayon sa Philippine Fiber Industry Development Authority madaling ma-fake dahil plastic ito. Ano ang katotohanan dito?

Madali nga bang kumupas o mag-fade ang polymer banknote sa mga tropical na bansa na gaya ng Pilipinas?

Totoo bang dalawa lamang ang kompanyang gumagawa ng polymer banknotes sa buong mundo? Kung totoo ito, kawawa ang Pilipinas kapag nais ng supplier na itaas ang presyo ng materyales at pag-imprenta nito.

Naghihintay ng kasagutan ang mamamayan.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

BSP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with