^

PSN Opinyon

Mga paraan upang hindi mag-constipation

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Para makaiwas sa pagtitibi (constipation), subukan ang mga sumusunod na mahahalagang payo:

1.Uminom ng walo hanggang 10 basong tubig sa maghapon. Napakahalaga ang pag-inom ng tubig para sa mga nagtitibi. Ang mga pagkaing mataas sa fiber ay kailangang humalo muna sa tubig para maging malambot ang dumi. Kapag kulang sa tubig, siguradong titigas ang dumi.

2.Igalaw-galaw ang katawan. Mag-ehersisyo araw-araw.

3.Sanayin ang sarili na dumumi sa takdang oras.

4. Malaking tulong ang mga prutas para lumambot ang dumi. Kumain ng mga prutas tulad ng papaya, pakwan at peras.

5. Kumain din ng iba’t ibang mabeberdeng gulay gaya ng kangkong, pechay, malunggay at talbos ng kamote. Ang mga gulay na ito ay mataas sa fiber kaya makatutulong sa pagiging regular ng pagdumi.

6. Spinach—Ang spinach ay may sangkap na magnesium na nagpapabilis ng galaw ng bituka para makarumi.

7. Okra—Sa mga gulay, kakaiba ang epekto ng okra para mapalambot ang dumi. Ang okra ay may malapot na likido na nagpapadulas sa pagdaan ng dumi. Ang balat ng okra ay mataas sa fiber na nagbibigay ng porma sa dumi kaya mas bibilis ang paggalaw nito. Piliin ang okra na wala pang four inches para malambot pa itong kainin.

8. Oatmeal—Puwedeng kumain ng isang tasang oatmeal sa umaga. May sangkap itong beta-glucan (isang soluble fiber) na nagtatanggal ng kolesterol sa katawan at makatutulong sa pagdumi.

9. Yogurt—Ang yogurt ay may taglay na good bacteria na may malaking benepisyo sa tiyan at bituka.

10. Brown rice—Mataas ito sa fiber kaya mainam kainin upang hindi tibihin. Pero kung hindi sanay sa pagkain nito baka magtae naman. Dahan-dahanin lang muna ang pagkain nito para masanay ang tiyan.

AGTITIBI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with