^

PSN Opinyon

Ang German company na ‘naonse’ sa Pilipinas  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ANG Dermalog, isang German company ay nakipag-joint venture sa isang Pinoy-owned company at ini-award sa kanila ng Land Transportation Office (LTO) ang pagproseso at paggawa ng drivers licenses.

Ang Dermalog ay world class biometrics innovator­ at marami nang nakuhang awards. Nagpo-provide sila ng pass­ports, national IDs, at iba’t ibang biometric systems sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ang Dermalog at Pinoy company ay nabigyan ng five-year contract para i-moder­nize, i-manage at i-print ang LTO drivers’ licenses.

Ngunit hindi nakatupad ang Pinoy company sa obligasyon nila sa joint venture agreement. Ang masama saka lang nalaman ng Dermalog na marami na pala umanong kapal­pakan ang Pinoy company sa iba pang ahensiya ng gob­yerno, dahilan para blacklist ito.

At dahil nga sa pagkukulang ng Pinoy company sa pag­tupad ng kanilang obligasyon sa joint venture, napilitang mag-abono ang Dermalog ng P100 milyo para ma-comply lang ang obligasyon ng joint venture sa LTO. Ang nakadi­dis­maya, bumitaw sa joint venture agreement ang Pinoy company pagkatapos nitong makuha ang P200 milyon na ini-advance sa Dermalog.

Ngunit hindi pa nakontento ang Pinoy company at nag-file pa  ng criminal charges sa mga opisyal ng Dermalog. Hini­hingi nito ang perang katumbas ng 25% share nila sa joint venture agreement, gayung hindi pa sila nakaka-comply sa services at hindi pa tapos ang proyekto sa LTO. Isa pa, kung may basehang magdemanda ang Pinoy company, dapat civil case at hindi criminal case. Ito ang dahilan kaya naisyuhan ng warrant of arrest ang ilang opisyal ng Dermalog. 

Masamang senyales ito sa iba pang kompanyang dayuhan na nais mag-invest sa Pilipinas. Nakakahiya na may mga naaagrabyadong dayuhang investors sa Pilipinas­. Paano pa makakahikayat ng foreign investors kung ganito ang sistema sa bansa!

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with